PALATANDAAN NG MGA MUNAFIQ
89- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta () ay nagsabi: “Ang palatandaan ng isang mapagkunwari (o Munafik) ay tatlo: Kapag nagsasalita siya ay nagsisinungaling, at kapag nangangako siya ay hindi tumutupad, at kapag pinagkakatiwalaan siya ay nagtataksil (hindi napagkakatiwalaan)”]. Al-Bukhari [Hadith bilang: (33)], Muslim [Hadith bilang: 107-(59)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa unang Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Binabalaan ng Hadith na ito ang taong muslim sa di-pagtupad ng pangako, sa pagsisinungaling maging sa pagsasalita at pagbabalita, at sa pagtataksil sa ipinagkatiwalang bagay, sapagka’t ang mga ito ang pinakamalaking mga palatandaan ng mga taong mapagkunwari.
2. Ang Munafiq (o mapagkunwari): Siya yaong nagtatago ng kasamaan at naglalantad ng kabutihan, at dahil dito ay kanyang itinatago ang pagtalikod sa Islam at inilalantad ang Islam.
3. Ang kahulugan ng Hadith na ito: Ipinapahayag nito na ang mga katangiang ito ay natatangi lamang sa mga katangian ng pagkukunwari, kaya ang may angkin nito ay natutulad sa isang ganap na mapagkunwari dahil sa mga katangiang ito at sa pagsasanay nito sa kanilang mga kaugalian.