Ang Nasaad na ang Bid`ah ay Higit na Matindi Kaysa sa Malalaking Kasalanan

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 163

Thêm vào yêu thích : 0

{...upang magbuhat sila ng mga pasanin nila nang buo sa Araw ng Pagbangon at ng bahagi ng mga pasanin ng mga pinaliligaw nila nang walang kaalaman. Pansinin, kay sagwa ang pinapasan nila!}(Qur'ān 16:25)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ na siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi kaugnay sa Khawārij: "Saanman kayo nakatagpo sa kanila, patayin ninyo sila."
Kaugnay rito, siya ay sumaway laban sa pagpatay sa mga pinuno ng pang-aapi hanggat nagdarasal sila.
Ayon kay Jarīr, ayon kay `Abdullāh: {May isang lalaking nagkawanggawa ng isang kawanggawa, pagkatapos nagsunuran ang mga tao kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsakalakaran sa Islām ng isang magandang kalakaran, ukol sa kanya ang pabuya nito at ang pabuya ng sinumang gumawa ayon dito nang matapos niya nang walang nabawas mula sa mga pabuya nila na anuman. Ang sinumang nagsakalakaran sa Islām ng isang masagwang kalakaran, laban sa kanya ang pabigat nito at ang pabigat ng sinumang gumawa ayon dito nang walang nabawas mula sa mga pabigat nila na anuman."}Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Batay sa kanya mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah at sa isang pagkakasalita: "Ang sinumang nag-aanyaya tungo sa patnubay...Ang sinumang nag-anyaya tungo sa kaligawan..."
Paksa: Ang Nasaad na Si Allāh ay Nagpigil ng Pagbabalik-loob sa Tagagawa ng Bid`ah
Ito ay naisalaysay mula sa ḥadīth ni Anas mula sa mga ipinamensahe ni Al-Ḥasan:
Bumanggit si Ibnu Waḍḍāḥ ayon kay Ayyūb na nagsabi: {Sa piling namin noon ay may isang lalaking nag-oopinyon ng isang opinyon saka umiwan siya nito. Kaya pumunta ako kay Muḥammad bin Sīrīn saka nagsabi ako: "Nakaramdam ka ba na si Polano ay nag-iwan ng opinyon niya?" Nagsabi siya: "Tumingin ka sa ano? Tunay na ang kahuli-hulihan sa pag-uusap ay higit na matindi sa kanila kaysa kauna-unahan nito: Lalampas sila mula sa Islām, pagkatapos hindi sila manunumbalik doon.}Tinanong si Aḥmad bin Ḥanbal tungkol sa kahulugan niyon, kaya nagsabi siya: "Hindi siya maitutuon sa pagbabalik-loob."