Mga Batas ng Taharah (Kalinisan)

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 230

Thêm vào yêu thích : 0

Pag-ihi sa mga karagatan ay pinapahintulutan subalit sa maliit na ilog ay ipinagbabawal kung ang daloy ng tubig ay mahina at kakaunti. At ang sapa na hindi dumadaloy ang tubig nito at mga katulad nito ay ipinagbabawal dahil ito ay madaling madumihan at maging Najis, sapagkat ito ay ginagamit kadalasan.
Ipinagbabawal rito ang pagtae sa tubig kahit ito ay marami o kakaunting tubig, dumadaloy man o hindi tulad sa mga sapa o ilog na maliit dahil ito ay madumihan kung gagamitin. At hindi ito bawal sa mga karagatan. At lumayo siya sa mga dalampasigan para hindi niya ito marumihan at makapinsala sa mga tao.
Ipinagbawal ang magdumi sa lugar na pinagliliman ng mga tao at sa daanang dinadaanan ng palagian, ito ay pinagsang-ayunan ng lahat.
عَنْ أَبِى هُرَيْرَةَ أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ -صلى الله عليه وسلم- قَالَ « اتَّقُوا اللاَّعِنَيْنِ ». قَالُوا وَمَا اللاَّعِنَانِ يَا رَسُولَ اللَّهِ قَالَ « الَّذِى يَتَخَلَّى فِى طَرِيقِ النَّاسِ أَوْ ظِلِّهِمْ ». أبو داود
 Inulat ni Abu Huraira (r.a) na sinabi ng Mensahero ng Allah (s.a.w) : "Matakot kayo sa dalawang sinusumpa". kanilang sinabi: Ano ang dalawang sinusumpa, O Mensahero ni Allah? sabi: "Ang yaong tumatae sa daanan ng mga tao at sa kanilang lugar na pinagliliman". Isinalaysay ni Abu Dawud
Ipinagbabawal ang pagdumi sa ilalim ng punongkahoy na nagbubunga dahil ito ay nakakapinsala sa mga tao, at nakakasira ng bunga at pinsala at pagkapoot kaya ito ay bawal.
Hindi kinamumuhian na magdumi sa ilalim ng punongkahoy na hindi nagbubunga, at hindi sinasadya ng mga tao para gawing lilim.
Kailangan sa sinumang dudumi na magtago, at dapat lumayo sa mata ng mga tao, dahil ito ay ipinagbabawal ng Propeta (s.a.w).
عَنْ عَبْدِ الرَّحْمَنِ بْنِ أَبِى سَعِيدٍ الْخُدْرِىِّ عَنْ أَبِيهِ أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ -صلى الله عليه وسلم- قَالَ « لاَ يَنْظُرُ الرَّجُلُ إِلَى عَوْرَةِ الرَّجُلِ وَلاَ الْمَرْأَةُ إِلَى عَوْرَةِ الْمَرْأَةِ وَلاَ يُفْضِى الرَّجُلُ إِلَى الرَّجُلِ فِى ثَوْبٍ وَاحِدٍ وَلاَ تُفْضِى الْمَرْأَةُ إِلَى الْمَرْأَةِ فِى الثَّوْبِ الْوَاحِدِ ». رواه مسلم
  Inulat ni Abdur Rahman bin Abu Saed Al-Khudri na ayon sa kanyang tatay na sinabi ng Mensahero ng Allah (s.a.w): "Hindi dapat tignan ng lalaki ang pribadong bahagi ng ibang lalaki, at gayundin ng babae sa pribadong bahagi ng ibang babae, at huwag huminga ang lalaki sa ibang lalaki sa iisang kumot, at hindi huminga ang babae sa ibang babae sa iisang kumot." Isinalaysay ni Muslim
Puwede magsagawa ng Wudu sa tubig ng dagat, at ilog, at lambak, at sapa ayon sa ipinagkasunduan ng maraming Dalubhasa.
Magsagawa ng Wudu ng tubig na nagbago sa kulay ng punongkahoy o putik o lupa o dahil sa katagalan o kalawang, ay puwedeng gamitin ito sa Wudu ayon sa ipinagkasunduan ng maraming Dalubhasa.
Magsagawa ng Wudu na nagbago ang amoy dahil sa maraming dumi ay puwede gamitin sa wudu maliban na lamang kung nagbago ang kanyang lasa at kulay, ayon sa ipinagkasunduan ng maraming Dalubhasa.
Kung nagduda siya sa tubig kung ito ba ay malinis o marumi, at hindi matukoy ang kalagayan nito bago ang lahat, Ang orihinal ng tubig ay malinis na puwedeng gamitin sa Wudu.
Kung kinakailangang maligo dahil sa Janabah ng isang Manlalakbay sa panahon ng taglamig, at hindi niya kayang gumamit ng tubig dahil natatakot sa kanyang karamdaman, o wala siyang mahanap na paraan para ito ay maging mainit, o kaya natatakot siyang lumabas para pakuluan ang tubig, Puwede sa kanya ang pagsagawa ng Tayammum. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa. At kung meron siyang kakaunting tubig na hindi sapat para ipaligo ay puwede siyang magsagawa ng Wudu at magsagawa ng Tayammum para sa Paligo, at ganon rin ang Wudu. At kung meron siyang kakayahang gumamit ng tubig ay kinakailangan niyang maligo.
Pagsagawa ng Tayammum ay dapat sa lupa, kung walang mahanap na tubig, o walang kakayahang gumamit ng tubig dahil sa karamdaman at iba pa, kapag wala siyang mahanap na tubig ay gamitin ang lupa.
Ang Manlalakbay sa eroplano o sa ibang lugar na wala siyang mahanap na tubig at wala siyang puwedeng gamitin sa Tayammum, ay magsagawa ng pagdarasal ayon sa kanyang kalagayan. Itong isyu kung walang tubig at lupa na panlinis ayon sa sinabi ng Allah:
فَاتَّقُوا اللَّهَ مَا اسْتَطَعْتُمْ وَاسْمَعُوا وَأَطِيعُوا وَأَنْفِقُوا خَيْرًا لِأَنْفُسِكُمْ وَمَنْ يُوقَ شُحَّ نَفْسِهِ فَأُولَئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ
Sabi ng Allah: "Katakutan ang Allah abot ng inyong kakayahan at makinig kayo at sumunod at magbigay ng mabuti para sa inyong mga sarili, at sinumang nakaligtas sa pagiging maramot ng kanyang sarili, sila ang yaong nagtagumpay". 64:16
Hindi wasto ang pagsagawa ng Tayammum sa dingding ng Eroplano at Sajjada at mga Upuan sapagkat ito ay hindi kabilang sa lupa.
Punasan ng Manlalakbay ang dalawang medyas sa loob ng tatlong gabi at para naman sa taong nanatili sa lugar ay isang araw at gabi, at magsisimula ang pagpupunas mula sa unang pagpunas pagkatapos ng Hadath sa oras na isinuot niya ito.
 Kapag nagsimula ang tao sa pagpupunas habang nanatili sa kanyang lugar at saka siya ay naglakbay, ang kanyang pagpunas ay katulad ng Manlalakbay.
Kung nagsimula siyang magpunas sa Paglalakbay at pagkatapos nanatili sa kanyang lugar, ang kanyang punas ay tulad ng nanatili, Ayon sa Karamihan ng mga Dalubhasa.
Kung siya ay nasa Hadath (Estado ng Karumihan) na siya ay nanatili sa lugar at saka lumakbay bago pinunasan ang kanyang medyas, ang kanyang pagpunas ay punas ng Manlalakbay ayon sa pinagkasunduan ng mga Dalubhasa.
Kapag nagsuot siya ng kanyang medyas at saka naglakbay bago ang Hadath, ang kanyang pagpunas ay punas ng Manlalakbay ayon sa pinagkasunduan ng mga Dalubhasa.
Kung nag-alinlangan sa oras kung kailan nagsimula siya sa Pagpunas, kung ito ba ay oras na siya'y nanatili sa lugar, o kaya siya'y Manlalakbay? Kunin niya ang malapit na pagpunas ng nanatili.