Mga Batas ng Pagdarasal
Ang Pagtago ng pribadong katawan mula sa pusod hanggang sa tuhod ay kondisyon sa pagiging wasto ng Pagdarasal, at kung magdasal siya na nakikita ang itaas ng kanyang tuhod, at dalawang balikat o isa nito, ang kanyang pagdarasal ay wasto, ayon sa opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa subalit ang mainam ay takpan kung kaya naman, bilang magandang pag-uugali sa Allah at makalabas sa salungatan ng mga Maalam subalit ito ay hindi kaaya-aya.
Ang paghanap ng Qiblah o direksyon sa Pagdarasal ay sa pamamagitan ng pagtatanong, o sa ibang paraan sa paglalakbay sa loob ng bansa, o sa labas ng bansa ay kinakailangan sapagkat ang pagdarasal sa harap ng Qiblah ay isang kondisyon.
Kung siya ay nagdasal sa hindi Qiblah na hindi siya naghanap ng paraan, at nagsumikap na meron naman siyang kakayahan, kailangan niyang isagawa ulit ang Pagdarasal. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Kung nagdasal siya sa hindi Qiblah habang nagsumikap siya at naghanap ng paraan, kung siya ay nasa paglalakbay sa daan o labas ng bansa, hindi niya kailangan isagawa ulit ito. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Kung nagdasal siya sa hindi Qiblah habang nagsumikap siya at naghanap ng paraan habang siya ay manlalakbay, subalit nanatili siya sa isang lugar, hindi niya ito isagawa ulit sapagkat ginawa niya iyon abot ng kanyang makakaya. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga dalubhasa.
Kung binalitaan ng isang tao ang manlalakbay kung saan ang direksyon ng Qiblah at nalaman niya na siya'y nagkamali, hindi niya kailangan isagawa ulit ang pagdarasal sapagkat ginawa niya ang lahat ng kanyang kakayahan. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Hindi tinatanggap ang salita ng isang hindi Muslim sa pagbigay ng direksyon ng Qiblah. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat ito ay kabilang sa relihiyon at hindi sa trabaho. Ang iba ay nagsabi: Tinatanggap ang kanyang salita kung ang tao ay tapat sa kanyang sinasabi at mapagkakatiwalaan, Ito ang tama.
Kung pumasok sa Salah ang manlalakbay kasama ang imam na hindi manlalakbay ay dapat niyang tapusin ang Salah kasama niya, at saka isabay ang ibang Salah kung siya ay mag-isa o kaya merong kasama mula sa ibang mga manlalakbay, dahil puwede sa kanya ang pagpapiksi.
Ang pagdarasal sa barko, kung ito ay Sunnah lamang ay hindi kinakailangang humarap sa Qibla, at kung ito ay obligasyong pagdarasal ay kailangang tumayo at ayusin ang pagyuko at pagpatirapa at pagharap sa Qibla, at kung nag-iba ang direksyon ng barko ay kailangan ring ibahin ang Qibla ayon sa kanyang kakayahan. Ito ay obligasyon para sa merong kakayahan at mawawala ang pagtayo sa pagdarasal kung merong dahilan, Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Mga Sunnah sa manlalakbay – tulad ng Sunnah sa obligadong Salah at Witr at Duha at Sunnah na dasal sa gabi – Ito ay Sunnah at pag-iwan sa mga Sunnah maliban sa Sunnah sa Fajr ay walang problema.
Ang pag-upo hanggang sa pagsikat ng araw pagkatapos ng dasal sa Fajr at sa dasal pagkatapos nito para sa manlalakbay ay Sunnah kahit siya ay nasa eroplano o hotel o iba pa, Kahit nagdasal siya sa grupo o mag-isa kung iniwan niya ang grupo na may dahilan, at kanyang makakamit ang sinabi ng Propeta (s.a.w) :
عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ قَالَ قَالَ رَسُولُ اللَّهِ -صلى الله عليه وسلم- « مَنْ صَلَّى الْغَدَاةَ فِى جَمَاعَةٍ ثُمَّ قَعَدَ يَذْكُرُ اللَّهَ حَتَّى تَطْلُعَ الشَّمْسُ ثُمَّ صَلَّى رَكْعَتَيْنِ كَانَتْ لَهُ كَأَجْرِ حَجَّةٍ وَعُمْرَةٍ ». رواه الترمذي
Inulat ni Anas bin Malik (r.a) na sinabi ng Mensahero ng Allah: "Ang sinumang nagdasal sa bukang liwayway sa grupo at pagkatapos siya ay umupo para alalahanin ang Allah hanggang lumabas ang araw at saka nagdasal ng dalawang rak'ah, mapasakanya ito tulad ng gantimpala ng Hajj at Umrah." Isinalaysay ni Termidi
Ano ang mas mainam sa dasal ng Wit'r bago ang paglalakbay sa unang gabi na nabuo ang mga haligi nito o kaya ipahuli ito hanggang sa huling gabi sa eroplano habang siya ay nakaupo?
Ang Isyung ito ay merong dalawang kalagayan, Puwedeng sabihin: ginawa ito ng tao dahil ito ay mas mainam sa kanyang puso, at kaayusan nito at kalinisan ay mas pinakamainam na batas at mga layunin ng pagsamba kay Allah.
Ang sinumang pumunta sa Makkah na siya ay manlalakbay, ang pinamainam ay damihan ang mga Sunnah; dahil ang mga Sunnah ay hindi ito kanyang karapatan bilang isang manlalakbay bagkus ito ay para makakuha ng karagdagan sa gantimpala dahil sa pagpaparami ng mga Sunnah.
Kung sumapit sa kanya ang oras ng Salah habang siya ay nasa kanyang lugar at gusto niyang maglakbay ngunit hindi pa siya nakaalis sa kanyang pamamayanan. Siya ay hindi pinapahintulutan ng batas ng Paglalakbay dahil ang pinapahintulutan lamang ang mga nakalayo na sa pamamayanan. Ito ang pinagkasunduan ng mga Dalubhasa.
Kung naglakbay at nakalayo na siya sa pamamayanan pagkatapos ng oras ng Salah ay dapat na niyang paiksiin ang dasal, at kung siya ay nakapasok sa kanyang lugar pagkatapos ng oras ay kailangan niyang kumpletuhin ang dasal sapagkat ang tinitignan ay ang oras sa pagsagawa ng Salah, hindi ang oras ng pagpasok ng Salah. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Kung ikaw ay nasa paliparan sa labas ng bansa ay puwedeng paiksiin ng manlalakbay ang kanyang Salah kung sigurado na ang kanyang biyahe, ngunit kung naghihintay lamang siya ay hindi puwede ito paiksiin sapagkat hindi siya naghangad ng paglalakbay.
Kung ang paliparan ay nasa loob ng kanyang lugar ay hindi siya puwede magpaiksi ng Salah kahit sigurado na ang kanyang biyahe o siya'y naghihintay sapagkat hindi pa siya nakakalayo sa pamamayanan.
Kung nagdasal siya sa eroplano ng obligasyong Salah na pinaiksi ngunit nakapasok na sa himpapawid ang mga pamamahay ng kanyang lugar, Kailangan niyang ibalik ang Salah ng buo sapagkat natapos na ang kanyang paglalakbay.
Kung nalimutan ang Salah ng hindi naglalakbay pagkatapos ito ay naging obligasyon sa kanyang lugar at hindi niya ito idinasal, at saka kanyang naalaala ito sa paglalakbay ngunit nakalabas na ito sa takdang oras. Kailangan niyang kumpletuhin ang Salah na naligtaan. Ito ang opinyon ng mga Apat na Imam.
Kung nalimutan ang Salah sa paglalakbay, ibig sabihin hindi siya nakapagdasal sa paglalakbay at saka kanyang naalaala sa kanyang lugar pagkatapos lumabas ito sa takdang oras, kailangan niya paiksiin ang Salah. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Kapag naalaala ang Salah habang siya ay naglalakbay, kailangan niyang paiksiin ang Salah.
Ang pagdami ng nagsasagawa ng Salah na grupo sa iisang masjid sa iisang oras, itong gawain ay hindi inutos at walang pundasyon sa mga gawain ng mga nauna.
Ang layunin para paiksiin ang Salah ay hindi kondisyon sa Salah dahil ito ay pundasyon. Ito ang sinabi ng karamihan ng mga Dalubhasa. Ang ganitong isyu ay walang bakas sa layunin para kumpletuhin ang Salah at paiksi ayon sa pinakatamang paraan:
Kapag naghangad ang nasa likod ng Imam na kumpletuhin ang Salah habang nagsasagawa ng Salah na maiksi ang Imam ay paiksiin rin niya.
Kapag hinangad ang paiksiin ang Salah ngunit ang Imam ay nikumpleto niya ang Salah, kailangan niyang sundin ang Imam.
Kapag sumapit ang oras ng Salah at hindi niya hinangad ang pagpapaiksi o kumpletuhin ang Salah ay magdasal ng dalawang Rak'ah, Wasto ang kanyang Salah kahit siya ang Imam o nasa likod ng Imam.
Kapag nag-alinlangan ang mga tao sa ginawa nilang Imam kung siya ba ay isang Manlalakbay o hindi, kailangan nila magdasal kung ano ang ginawa ng Imam.
Kapag naghangad ang Manlalakbay na kumpletuhin ang Salah kung siya ang Imam o nag-iisa at saka kanyang naalala na siya pala ay isang manlalakbay, kailangan niyang paiksiin ang Salah.
Pinapaiksi ang Salah na may apat na Rak'ah ngunit ang Fajr at Maghrib ay hindi pinapaiksi.
Kapag nagdasal ng Maghrib ng dalawang Rak'ah dahil sa kamangmangan, Tunay ang kanyang Salah ay hindi katanggap-tanggap at kailangan niyang isagawa ulit ang Salah.
Kapag naghangad ang Manlalakbay na paiksiin at saka tumayo siya sa pangatlo na nakalimot, kailangan niyang bumalik at magpatirapa ng Sujood Sah'w, Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Kapag naging Imam ang isang Manlalakbay sa kapwa niyang manlalakbay subalit isinagawa niyang kumpleto ang Salah dahil nakalimot siya, hindi kailangan ng mga nasa likod na sumunnod sa kanya at puwede sumalungat at kung sumunod sila sa kanya ay hindi masisira ang kanilang Salah.
Kung naghangad ang Manlalakbay na paiksiin ang Salah at saka kanyang nalimutan at ginawa niya itong kumpleto. Wasto ang kanyang Salah ngunit magpatirapa siya ng Sujood Sah'w.
Kapag naghangad ang manlalakbay na paiksiin ang Salah at pagkatapos kanyang nalimutan sa kagitnaan ang Salah, at gusto niyang palitan ito mula sa pagpapaiksi tungo sa pagkumpleto. Ito ay walang problema dahil ang pagpapaiksi ay Sunnah.
Pagpapaiksi ng pagbabasa sa Qur'an sa Salah sa paglalakbay ay Sunnah, Ito ang pinagkasunduan ng karamihan.
Pagbabasa ng Manlalakbay ng Surah Zalzalah sa dasal ng Fajr ay kalugud-lugod, at babasahin ito ng isang beses sa isang Rak'ah.
Kailangan ba sa isang manlalakbay na magdasal sa grupo sa Masjid? meron siyang dalawang sitwasyon:
Una: Kapag narinig ng Manlalakbay ang Adhan na siya ay nasa daanan, hindi kailangan sa kanya magdasal kasama ang grupo sa Masjid.
Pangalawa: Kung nakarating na siya sa lugar, dito merong salungatan ang mga Dalubhasa: May nagsabi: Kailangan magdasal kasama ang grupo sa Masjid ang isang manlalakbay kahit siya ay mag-isa o nasa grupo. At may nagsabi: Kung sila ay nasa grupo ay hindi kailangan magdasal sa Masjid dahil magdasal sila na sama-sama, at kung siya ay nag-iisa ay kailangan sa grupo. May nagsabi: Hindi kailangan sa Manlalakbay, ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa, dahil siya ay manlalakbay at kung pinagaan sa manlalakbay ang Pagdarasal sa haligi nito, gayundin sa mga obligasyon.
Ang tao ay dapat magpasakop sa kanyang relihiyon at hindi pabayaan ang kanyang sarili sa gantimpala ng grupo at Salah sa mga Masjid, lalo na ang mga lumalakbay sa Makkah at Madinah, dahil ang gantimpala sa Makkah ay hindi katulad sa ibang lugar at gayundin sa Madinah.
Pagdarasal sa grupo sa Eroplano ay merong mga sitwasyon:
Una: Kapag merong lugar na malawak para isagawa ang buong Pagdarasal, isagawa nila ang Salah sa grupo ayon sa lawak ng lugar at susundan rin ito ng ibang mga grupo.
Pangalawa: Kapag meron ibang malalawak na lugar para sa Salah, Puwede magsagawa ng Salah sa iisang Imam dahil kadalasan ang eroplano ay hindi malaki. Ang pinakamalapit ay ang pagdugtong sa mga linya ay kondisyon at ang pamamaraan rito ay ayon sa nasanayan.
Pangatlo: Kapag ang grupo ay gustong magsagawa ng Salah ngunit ang paglalakbay ay malayo na hindi puwede nilang ipahuli ang Salah hanggang makarating sila sa kanilang bayan, puwede nila ipagsabay ang mga Salah na pahuli. At kung hindi nila kayang magsagawa ng Salah maliban sa mga upuan ay magdasal, gayundin ang isang tao na hindi kayang tumayo para magdasal sa lahat ng mga haligi ng Salah. Puwede silang magdasal ng grupo na magkasama-sama, o ang iba ay nasa bandang likuran. Kailangan ba ang Imam ay nasa kanilang likuran o sa kanan ng Imam? Ang pinakamainam ay sila ay nasa kanan ng Imam at huwag siya tumayo sa kanilang gitna maliban kung kinakailangan.
Kung merong lugar na puwede sa iisang tao na magsalah ng kumpleto na may pagtayo at pagyuko at pagpatirapa, mainam ba na isagawa ang Salah na nag-iisa o kaya isagawa ito ng grupo na naka-upo?
Hindi obligasyon sa isang manlalakbay ang Salah sa grupo, Kung ganyan ang kanyang sitwasyon. Kailangan tignan ang isyu sa pagitan ng haligi ng Pagtayo sa Salah at Sunnah sa grupo. Walang pag-aalinlangan mauuna ang haligi ng Salah.
Hindi uupo ng Tawarruk ang manlalakbay maliban sa Salah ng Maghrib dahil ang Tawarruk ay hindi naging Sunnah maliban sa Salah na merong dalawang Tashahud, at ang Salah sa Paglalakbay ay pinaiksi ngunit ang Maghrib ay merong dalawang Tashahud.
Ang Paglalakbay para Dasalan ang namatay at pagdalo sa libing at pakikiramay ay pinapahintulot dahil ang paglalakbay rito ay hindi para sa lugar. Pinagbabawal lamang sa Paglalakbay ay ang paghangad ng lugar para sambahan kahit ito pa ay isang masjid o libingan at iba pa, maliban sa tatlong Masjid. At puwedeng lumakbay para bisitahin ang mga kamag-anak at kapatid at pagsaliksik ng kaalaman, dahil hindi naman ito paghangad sa lugar.
Ang paglalakbay sa yumaong mula lugar tungo sa ibang lugar ay merong mga sitwasyon:
Una: Paglipat sa patay na kinakailangan dahil kung hindi ito nalipat ay magdudulot ng pagkasira ng kanyang pagkatao at magdudulot ng kapahamakan tulad sa lugar ng mga hindi mananampalataya o sa digmaan.
Pangalawa: Paglipat ng patay na hindi pinapahintulutan dahil ang paglipat sa kanya ay nagdudulot sa kasiraan ng kanyang pagkatao at nagdudulot ng kapahamakan, at paglibing sa kanya sa lugar na kanyang ikinamatay ay mas ligtas.
Pangatlo: Paglipat sa mga lugar na hindi naman malalayo tulad sa mga baryo sa paligid ng Makkah o Madinah na hindi naman masyadong kalayuan, ito ay pinapahintulutan dahil pinapayagan ito sa batas.
Pang-apat: Paglipat na hindi naman kinakailangan, dito merong salungatan at ang mas malapit ay pag-iwan rito.