Mga Batas ng Zakah

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 5

Thêm vào yêu thích : 0

Ang sinumang obligasyon sa kanya ang Zakah sa yaman habang siya ay manlalakbay, at saka kanya itong ibinigay dahil meron siyang dalang pera, kundi ipagpaliban niya ito hanggang makabalik siya sa kanyang lugar kung ang kanyang paglalakbay ay malapit, o kaya may bibigyan ng awtoridad sa sinumang pagpalabas para sa kanya.
Ang sinumang merong obligasyon sa Zakatul Fit'r habang siya ay manlalakbay, obligasyon sa kanya na ipalabas ito sa lugar kung nasaanman siya, at ang kanyang pamilya ay magpalabas sa kanilang mga sarili sa kanilang lugar, at sinumang nagbigay ng awtoridad sa kanyang pamilya para ipalabas ito ay pinapahintulot, at ito ang pinakamalapit.
Ang sinumang naglalakbay at nawala, at walang nakakaalam sa kanyang kalagayan, hindi obligasyong magpalabas ng Zakah para sa kanya. At kung natukoy ang kanyang kalagayan pagkaraan nito, obligasyon sa kanya na bayaran ang nakaraan. At kung nawala ngunit malakas ang kanilang hinala na buhay pa siya, magpalabas ng Zakah para sa kanya.
Kung naglakbay ang isang  miyembro ng pamilya sa pag-aaral at pagbisita at iba pa maliban sa asawang babae, Puwede ba ipalabas ang Zakah sa kanyang sarili o ipalabas ng kanilang ama? merong dalawang kalagayan:
Kung hindi pa siya tumatayo sa sarili niyang gastusin, ipapalabas sa lugar kung saan siya naroroon, at kung nagbigay ang kanyang ama para sa kanya sa kanyang lugar ay pinapahintulot rin, subalit ang nauna ay ang mas mainam.
Kung siya na mismo tumatayo sa kanyang gastusin, ay ipalabas sa lugar kung saan siya.
Kung isang Muslim ay isang manlalakbay sa lugar kung saan wala siyang alam kung sino ang karapat-dapat bigyan ng Zakatul Fit'r. Katotohanan magbigay siya ng awtoridad kung sino ang magpapalabas sa kanyang lugar.