Mga Isyu sa Pagbalik mula sa Paglalakbay

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 1

Thêm vào yêu thích : 0

Pagmamadali sa pagbalik sa pamilya mula sa paglalakbay sa oras matapos ang trabaho ay kalugud-lugod.
Pagdarasal ng isang Manlalakbay ng dalawang Rak'ah sa Masjid sa kanyang unang dating mula sa paglalakbay ay mainam. at kung nakita niya ang mga Masjid ay nakasara, ay gawin niya ito sa kanyang bahay, at ang Salah niya sa oras na ipinagbabawal ay puwede sapagkat siya ay merong dahilan. Magdarasal rin ba ang babae nito? kung ang babae ay nagdasal ay puwede rin.
Ang mga nabanggit na bawal mula sa Mensahero ni Allah (s.a.w) ay ang pagdating ng lalaki sa kanyang asawa sa gabi kung humaba ang kanyang pagkawala, at mawawala ang bawal kung binalita niya ang kanyang pagdating.
Ang Sunnah kung dumating ang lalaki mula sa paglalakbay ay pumunta siya sa kanyang mga kapatid at magbati sa kanila ng Kapayapaan, at kung siya ay lumabas tungo sa paglalakbay ay pumunta sa kanila at magpaalam at humingi sa kanila ng panalangin.
Isa sa mga Sunnah ay ang pagsagawa sa taong dumating sa paglalakbay ng pagyakap at pagbisita sa kanya.
Pagpapakain sa sinumang dumating sa paglalakbay ay mainam o gagawin ito ng manlalakbay kung siya ay dumating.