Ang Mga Magagandang Asal Habang Kumakain

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 438

Thêm vào yêu thích : 0

1. Na sisimulan ang pagkain sa pagsabi ng Bismillah. Batay ito sa pagsabi ng Propeta (SAS): “Kapag kakain ang sinuman sa inyo, banggitin niya ang pangalan ng Allah; kapag nalimutan niyang banggitin ang pangalan ng Allah sa simula ng kanyang pagkain, sabihin niya ang “Bismillah Awwalan wal Akhiran” (sa ngalan ng Allah, sa simula at sa katapusan).”
2. Na kakain (kung nagkakamay) sa pamamagitan ng tatlong daliri (ang hinlalaki, hintuturo, at hingigitna) ng kanyang kanang kamay. Liliitin niya ang subo at ngunguyain ng maiigi, kakainin ng kung ano ang nasa malapit at hindi ang nasa malayo. Batay ito sa sinabi ng Propeta (SAS): “Anak, sabihin mo ang Bismillah, kumain ka sa pamamagitan ng iyong kanang kamay, at kainin mo kung ano ang malapit sa iyo.”
3. Na pag-iigihin ang pagnguya at sasairin ang laman ng palato pati na ang naiwan sa mga daliri bago pupunasan o huhugasan ang kamay.
4. Na kapag nalaglag ang anuman sa kinain, aalisin ang dumi at kakainin ito.
5. Na hindi hihipan ang mainit na pagkain, hindi ito kakainin hangga’t hindi lumalamig-lamig ng kaunti, hindi hihingahan ang tubig habang iniinom, at hihinga ng tatlong beses habang ang ilong ay hindi nakatapat sa baso. Batay ito sa Hadeeth na isinalaysay ni Ibnu ‘Abbas (RA). Ayon sa kanya, ang Propeta (SAS) ay: “nagbawal na huminga sa loob ng baso o ihipan ang loob nito.”
6. Na iiwasan ang labis-labis na pagkabusog. Batay itosa sinabi ng Propeta (SAS): “Wala ng pinupunong sisidlan ang isang tao na mas masama pa sa kanyang tiyan. Sapat na sa anak ni Adan (tao) ang mga maliliit na subo na pupuno sa pangangailangan ng kanayang katawan. Kung hindi niya iyon magawa, ang ikatlong bahagi (ng tiyan) ay para sa kanyang pagkain, ang ikatlong bahagi ay para sa kanyang inumin, at ang ikatlo ay paa sa kanyang paghinga.”
7. Na hindi mauunang magsisimulang kaumin o uminom kung sa hapag ay may mas lalaong karapat-dapat na panauhin dahil sa katandaaan o pagtataglay ng kahigitan sa iba sapagkat ang gayon ay nakasisira sa mga magnadang sal at ang gumagawa nito ay mapagkakamalang matakaw.
8. Na huwag titingnan ang mga kasama habang kumakain at huwag silang babantayan sapagkat mahihiya sila. Dapat pa ngang huwag ituon ang paningin sa mga kumakaing kasama at huwag silang pagmamasdan dahil baka ikayamot nila iyon.
9. Na hindi gagawin ang karaniwang pinandidirihan ng mga ito. Kaya’t huwag ipapagpag sa plato ang (natitirang pagkain sa) kamay at huwag ilalapit ang ulo sa plato habang kumakain at sumusubo para walang anumang buhat sa bibig ang malaglag sa plato. Ang an umang kinagatan ay huwag ibabalik sa plato (kung sama-samang kumakain sa iisang plato). Huwag ring magsasalita ng mga salitang ipinahihiwatig ay ang mga marurumi sapagkat iyon ay baka ikayamot ng ilan sa mga kasama. Ang pangyayamot sa Muslim ay ipinagbabawal.