Ang Kanyang Pagtakas

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 302

Thêm vào yêu thích : 0

Ayon sa kanya, "Ako ay nagpadala ng liham sa mga Kristiyano na humihiling sa kanila na ipaalam kaagad nila sa akin ang pagdating ng sinumang nangangalakal na Kristiyano na magmula sa Ash-Shaam. Sa kabutihang palad, isang grupo ang dumating at ipinabatid kaagad nila ito sa akin, kaya naman ipinagbilin kong kapag natapos na sila sa kanilang pangangalakal ay ipaalam kaagad nila sa akin bago sila bumalik sa kanilang bansa. Makaraang matapos nila ang kanilang pangangalakal, ipinaabot nila sa akin ang kanilang muling pagbabalik sa kanilang bansa, sa pagkakataong iyon ay sinikap kong tanggalin ang kadenang nakatali sa aking mga paa at sumama ako sa kanilang pagbabalik sa Ash-Shaam." 

Hindi siya sumuko sa di-makatarungang batas ng kanyang ama.  Siya ay patuloy na nakibaka sa paghahanap ng katotohanan, na siyang nag-akay sa kanya upang matanto ang katotohanan tungkol sa Tagapaglikha – ang Allah.


Sa mga nakikibaka tungo sa AmingLandas, tunay na Amin silang gagabayan sa Aming Landas [ang Islam na relihiyon ng Allah – Kaisahan ng Allah].  [Surah Al-Ankabot-29:69] 

Sa kabila ng katotohanang ang kanyang lalakbayin ay malayong lugar at di-pangkaraniwang lupain para sa kanya, nagpasya pa rin si Salman na maglakbay upang hanapin ang katotohanan. Batid ng Allah ang kanyang katapatan, na naging daan upang maging madali para sa kanya ang paglalakbay tungo sa lupain ng Ash-Shaam.