Paggawa ng mabuti at Pagsisikap na maipamahagi ang kabutihan

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 147

Thêm vào yêu thích : 0

Nagmula kay Anas -radhiyallahu anhu- na nagsabi: Ang sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi:
(صنائع المعروف تقي مصارع السوء والآفات، والهلكات, وأهل المعروف في الدنيا هم أهل المعروف في الآخرة)
 “Ang paggawa ng mabuti ay pananggalang mula sa mga masasama, mga peste at mga kapahamakan; at ang mga mabuting tao sa mundo, sila rin ang mga mabuting tao sa kabilang buhay” isinalaysay ni Al-Hakim.
     Sinabi ni Ibnu Al-Qayyim –rahimahullah- : “At kabilang sa mahahalagang mga gamot o lunas ng sakit ay: ang paggawa ng mabuti at pagpapakabuti, ang paggunita o pag-aalaala (sa Allah), ang panalangin, ang pagiging mataimtin  o pagpapakumbaba (sa Allah), at ang pagbabalik loob. Ang mga bagay na ito ay makakaapekto sa pagpigil sa mga sakit at makapagpagaling; Mas mahalaga pa ito kaysa sa pangkaraniwang mga gamot, gayunpaman ito ay nakabatay sa paghahanda ng sarili, pagtanggap nito at paniniwala nito sa mga bagay na iyon at kapakinabangan nito” (Zaadul-Maad).