KABUTIHAN NG DALAWANG AYAH SA AL-BAQARAH

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 139

Thêm vào yêu thích : 0

2- Si Abu Mas`uod (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Propeta () ay nagsabi: "Ang sinumang bumasa ng dalawang talata sa huling bahagi ng Surah Al-Baqarah sa isang gabi, ito’y sasapat na sa kanya". 
Al-Bukhari [Hadith Bilang: (5009)] Muslim [Hadith Bilang: 256 – (808)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Uqbah ibn Am’r na tinaguriang Abu Mas`uod Al-Ansarie, isang dakilang Sahabi, siya ay isa sa mga sumaksi sa ikalawang pagpangako ng katapatan sa Aqabah, siya ang pinakabata sa kanila, siya ay kasama ring nakibaka sa labanan sa Uhud at lahat ng labanan na sumunod dito kasama ang Sugo ng Allah (), at pagkaraan ay nanirahan siya sa Kufa at nagpatayo rito ng isang tahanan, at siya ang pinahalili ni Ali ibn Abu Thalib sa Kufa nang siya ay humayo patungo sa Siffin, sa katunayan umabot ng (120) ang kanyang mga naiulat na Hadith, at siya ay binawian ng buhay sa Madinah taong ika-(41) sa Hijri, datapuwa’t may nagsasabing taliwas dito.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang pagbasa sa dalawang Talatang ito sa bawa’t gabi ay kabilang sa mga kadahilanan ng kasiyahan at kaligtasan sa lahat ng kasamaan at kamalasan.
2. Ang pagbasa sa dalawang Talatang ito sa bawa’t gabi ay nagpapalakas ng tiwala ng isang Muslim sa Allah.
3. Nararapat sa isang Muslim na isaulo ang dalawang Talata na ito; at ito ay ang sumusunod: