ISLAM: RELIHIYON NG PAGKAMAHINHIN AT KABUTIHAN
8- Si Anas (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Walang nalalagyan ang kahalayan sa isang bagay kundi pinapapangit ito at walang nalalagyan ang pagkamahiyain sa isang bagay kundi pinapaganda ito". At-Tirmidhi [Hadith Bilang: (1974)] Ibnu Majah [Hadith Bilang: (4185)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Hamzah, Anas ibn Malik Al-Ansari, tagapaglingkod ng Sugo ng Allah (), ipinanganak siya sa Madinah bago ang paglikas mula sa Makkah nang sampung taon, siya ay yumakap sa Islam sa murang edad niya, at nanatili sa piling ng Propeta (), siya ay nanilbihan sa kanya ng sampung taon at namalagi sa kanya hanggang sa mamatay ang Propeta (Sumakanya nawa ang pagpapala at kapayapaan), at pagkatapos ay naglakbay siya patungong Damascus at mula dito ay nagtungo naman sa Basra. Siya ay nakapag-ulat ng maraming Hadith at umabot ang kanyang ulat ng (2286) Hadith at siya ay binawian ng buhay sa Basra taong ika-(93) sa Hijri, pagkapos na humigit ng (100) taong gulang ang kanyang edad.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Islam ay Relihiyong nagtuturo ng pagkamahinhin at mabuting asal; dahil dito ipinagbabawal niya ang mga salita, mga gawa at mga katangiang marahas at masama.
2. Ang pagiging mahinhin (mahiyain) ay mabuti at kaaya-ayang katangian sa Relihiyon ng Allah na Islam, kaya't nararapat sa isang Muslim na maging katangian niya ito.
3. Ang pagiging mahinhin ay naghahatid sa isang Muslim tungo sa pagsunod sa Allah at pumipigil sa kanya mula sa paggawa ng mga kasalanan.