ANG BID‘AH AY PAGKALIGAW

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 108

Thêm vào yêu thích : 0

11- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Katotohanang ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Ang sinumang gumawa ng isang gawain na hindi nakabatay sa aming pag-uutos, ito ay tatanggihan".
Muslim [Hadith Bilang: 18 – (1718)] Al-Bukhari [Hadith Bilang: (2697)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(5):

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na ang paggawa ng makabago sa pananampalataya ay isang pagkaligaw at huwad sa pananampalatayang Islam.
2. Ang Islam ang naghihikayat na panghawakan ang Aklat ng Allah at ang Sunnah ng Kanyang Sugo nang walang pagbabago sa kahulugan nito at pagtakwil.
3. Ang pagiging abala sa mga bagay na makabago sa pananampalataya ay dahilan ng pagkaligaw at paglayo sa katotohanan ng Islam.