ANG MADALAS NA PANALANGIN NG PROPETA

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 46

Thêm vào yêu thích : 0

12- Si Anas (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang pinakamadalas na panalangin ng Propeta () ay ang; "Allaahumma! Rabbanaa atinaa fid dunya hasanah wa fil aa-khirati hasanah wa qinaa `adhaaban naar (O Allah! Aming Panginoon! Iyong pagkalooban kami ng mabuti sa mundong ito at ng mabuti sa Huling Araw, at iligtas Mo kami sa kaparusahan ng Apoy (sa Impiyerno)". Al-Bukhari [Hadith Bilang: (6389)] Muslim [Hadith Bilang: 23 – (2688)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(8):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Islam ay Relihiyon ng kaligtasan, kaligayahan at katiwasayan sa Mundo at kabilang buhay para sa sinumang sumunod sa mga katuruan nito nang tapat, taimtim at karunungan sa lahat ng bagay na may kinalaman sa paniniwala, batas islamiko at asal.
2. Napapaloob sa Hadith na ito ang lahat ng kabutihan, kaya dapat ugaliing maging madalas ang pagbasa ng isang Muslim sa panalangin na ito habang siya ay lumalayo sa mga kasalanan at mga bagay na kahina-hinala.