ANG MGA MASJID AY PINAKAMAMAHAL KAY ALLAH

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 45

Thêm vào yêu thích : 0

13- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Katotohanan, ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Ang pinakamamahal na lugar sa Allah ay ang mga Masjid nito, at ang pinakakasuklam-suklam na lugar sa Allah ay ang mga palengke nito". Muslim [Hadith Bilang: 288 – (671)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Hurairah, Abdul Rahman ibn Sakh'r Ad-Dusie Al-Yamani na tinaguriang tagapagsalaysay ng Islam. Siya ay tinawag sa palayaw na Abu Hurairah (Ama ng paslit na pusa), sa dahilang siya ay mahilig maglaro ng pusa, at siya ay nagpapastol ng mga kambing para sa kanyang pamilya, siya ay yumakap sa Islam taong ika-(7) sa Hijri, sa taon ng pagsakop sa Khaibar, pagkatapos ay namalagi siya sa Propeta () ng apat na taon, siya ay kasa-kasama nito saan man naroroon, at nagsumikap sa pagsasaliksik ng Hadith at naging masigasig siya rito, kaya't marami siyang kaalaman na natutunan at naisaulo, hanggang sa siya ang itinuring na may pinakamaraming naiulat na Hadith sa mga Sahabi (Kasamahan ng Propeta), na kung saan ay umabot ang kanyang naiulat ng (5374) na Hadith. Siya ay isa sa mga Pantas ng Madinah, namatay siya sa Madinah taong ika-(57) sa Hijri, at siya ay nailibing sa Baqi`.

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang mga Masjid ay pook na pinaggugunitaan sa Allah at pinagdadausan ng mga ritwal na gawain, lalung-lalo na ang limang ubligadong pagdarasal.
2. Dapat dakilain ang mga Masjid sa pamamagitan ng pangangalaga sa paglilinis nito at pagpapabango; kaya hindi maaaring ipasok sa loob nito ang mga may masasamang amoy at maruming kasuutan.
3. Maituturing ang mga pook pamilihan – sa pangkalahatang pananaw – na isa sa mga kinasusuklamang lugar; sapagka't  lugar ito ng pandaraya, mga huwad na panunumpa at pagtalikod sa paggunita sa Allah at iba pa.