BABALA SA KALABISANG PAGDAKILA SA PROPETA

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 463

Thêm vào yêu thích : 0

18- Si Abu Haurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Huwag ninyong ituring ang inyong mga tahanan ng tulad ng mga libingan, at huwag ninyong gawing pook ng pagdiriwang ang aking libingan, bagkus ipanalangin ninyo ako sapagka’t ang inyong panalangin para sa akin ay makakarating sa akin saan man kayo naroroon".
Abu Daud [Hadith Bilang: (2042)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):



Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Hindi maaring mawala sa mga kabahayan ang kusang loob na pagdarasal, paggunita sa Allah, panalangin at pagbasa ng Qur'an sa loob nito upang hindi matulad sa mga libingan.
2. Nabanggit sa Hadith na ito ang pagbabawal sa pagtitipon upang dalawin ang puntod ng Propeta (r) tulad ng pagtitipon sa selebrasyon ng Eid, at upang maiwasan ang pagmamalabis ng mga tao sa pagdakila sa Propeta (r).
3. Ipinagbabawal ayon sa Hadith na ito ang pagtakda ng paglalakbay tungo sa puntod ng Propeta (r) o iba pang mga puntod, sapagka't ito’y maituturing na pagsasagawa ng selebrasyon sa mga puntod.
4. Nararapat sa isang Muslim na dalasan ang paghandog ng pagbati sa Propeta (r) nang may kasiyahan, pagmamahal at pagdakila sa kanya.