BABALA SA PAGGAWA NG LETRATO NG WALANG DAHILAN
19- Si Abdullah ibn Mas`uod (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, siya ay nagsabi: Narinig ko sa Propeta () na kanyang sinasabi: "Katotohanan, ang may pinakamatindi na kaparusahan sa mga tao sa Allah sa Araw ng Pagbabangong Muli ay ang mga gumuguhit ng larawan". Al-Bukhari [Hadith Bilang: (5950)] Muslim [Hadith Bilang: 98 – (2109)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(3):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito na ang pagpinta ng mga may buhay ay matinding ipinagbabawal sa Islam.
2. Napapaloob sa Hadith na ito ang matinding babala laban sa pagpinta ng larawan (imahe), sapagka't ito ay panggagaya sa nilikha ng Allah at gayundin ang mga imahe ng may buhay ay nagiging daan tungo sa pagtatambal sa Allah.
3. May nagsasabi: "Katotohanan ang tinutukoy ng Hadith na ito ay ang sinumang gumagawa ng mga imahe at rebulto upang sambahin; magkagayun ang Hadith na ito ay tumutukoy lamang sa taong gumagawa ng mga rebulto na siyang magkakaroon ng matinding kaparusahan sa Araw ng Muling Pagkabuhay.