MGA KADAHILANAN NG PAGPASOK SA PARAISO

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 492

Thêm vào yêu thích : 0

20- Si Abu Umamah Al-Bahilie (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinasabi: Narinig ko sa Sugo ng Allah () habang nagtatalumpati sa Hajj na pamamaalam; siya ay nagsabi: "Matakot kayo sa Allah na inyong Panginoon, itaguyod ninyo ang limang Salah (pagdarasal), pag-ayunuhan ninyo ang buwan (ng Ramadan), at ibigay ninyo ang kawanggawa ng mga kayamanan ninyo, at sundin ninyo ang may katungkulan sa inyo, kayo ay makakapasok sa Paraiso ng inyong Panginoon". At-Tirmidhi [Hadith Bilang (616)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Umamah, Suday ibn `Ajlan ibn Wahb Al-Bahilie, isang banal na Sahabi (Kasamahan ng Propeta) at mapagpakasakit.
Gustung-gusto niyang makibaka sa pakikipaglaban sa Landas ng Allah, kaya lagi siyang nakadikit at sumasama sa Propeta () sa lahat ng kanyang pakikipaglaban, ni hindi siya lumiban sa isang labanan, at hindi rin siya nabibigo sa pakikipaglaban sa Landas ng Allah, maliban sa labanan sa Badr dahil sa paglilingkod niya sa matanda niyang ina; na kung saan ay inutusan siya ng Sugo ng Allah () na magpaiwan sa kanyang ina, lumahok din siya sa lahat ng digmaan kasama ng mga napatnubayang tagapaghalili, sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah, siya ay nakapagsalaysay ng (250) Hadith sa mga aklat ng Sunnah, dati siyang nanirahan sa Sirya, nguni't sa kalupaan ng Hims siya binawian ng buhay taong ika-(81) sa Hijri. 
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Kabilang sa mga dahilan ng pagpasok sa Paraiso ay ang pagkatakot sa Allah, mga ubligadong pagdarasal, pag-aayuno sa buwan ng Ramadan at pagbigay ng katungkulang kawang-gawa (Zakat).
2. Ang pagkatakot sa Allah ay ang pagsunod sa Kanya na may kasamang pangamba sa Kanya at pagmamahal, pagdakila at pag-iwas sa pagsuway sa Kanya.
3. Ubligado ang pagsunod sa mga pinuno ng sambayanang Muslim, sa mga makadiyos na eskolar at sa lahat ng may katungkulan sa Islam sa bagay na hindi sumasalungat sa katuruan ng Islam, sapagka't hindi maaaring sundin ang isang nilikha  sa bagay na labag sa Tagapaglikha.