ANG MGA KABUTIHAN NG SURAH AL-MULK

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 510

Thêm vào yêu thích : 0

24- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Ang Propeta () ay nagsabi: "Katotohanang may isang Surah sa Qur'an na naglalaman ng tatlumpung Ayah (talata), mananatiling mamagitan ito sa nagtataguyod nito hanggang sa patawarin siya (sa kanyang mga kasalanan), ito ay ang Surah Al-Mulk {Maluwalhati Siya ang may tangan ng Kapamahalaan (67:01)}".
Ibnu Majah [Hadith Bilang: (3786)] Abu Daud [Hadith Bilang: (1400)] At-Tirmidhi [Hadith Bilang: (2891)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):


Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1.  Itinuturo ng Hadith na ito ang iilang kahigtan ng Surah Al-Mulk.
2. Namamagitan lamang ang kabanata na ito sa sinumang nagbasa at nagsagawa ng itinuturo nito; habang siya'y sumusunod sa Allah at sa Kanyang Sugo () nang may pagmamahal at kataimtiman.
3. Naghihikayat ang Hadith na ito sa pangangalaga ng pinagpalang kabanata na ito sa pamamagitan ng pag-aaral, pag-unawa at pagsasakatuparan nito.