ANG ISLAM AY RELIHIYON NG PAGPAPAUMANHIN

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 480

Thêm vào yêu thích : 0

26- Si Mu`az (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Humayo kami sa digmaan sa Tabuk kasama ng Sugo ng Allah (), kanyang isinasagawa ang Salah sa Dhuhr at Asr ng pinagsama, at gayundin ang Salah sa Maghrib at Isha ng pinagsama". Muslim [Hadith Bilang: 52 – (706)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Mu`ad ibn Jabal ibn `Amru ibn Aus, na si Abu Abdul Rahman (palayaw) Al-Ansari Al-Khazraji, isang dakilang Sahabi (Kasamahan ng Propeta), nasaksihan niya ang pagpupulong sa pagpangako sa `Aqabah, nasalihan din niya ang digmaan sa Badr at ang lahat ng digmaan, at siya ay yumakap sa Islam sa edad na (18) taong gulang.
Siya ang pinakamaalam sa mga Sahabah tungkol sa Halal (ipinahihintulot) at Haram (ipinagbabawal), at siya ay nakapag-ulat ng (157) na Hadith sa mga aklat ng Sunnah.
Nang ipadala siya ng Sugo ng Allah () sa Yemen, siya ay itinalaga niyang tagapamahala rito, nguni't bumalik din siya pagkaraan ng pagkamatay ng Sugo (), at pagkatapos ay nanirahan siya sa Sham, at siya ay binawian ng buhay dito dahil sa salot taong ika-(18) o ika-(17) sa Hijri, sa edad niyang (34) taong gulang.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito: 
1. Itinuturo ng Hadith na ito ang kapahintulutan sa pagsasagawa ng Dhuhr at Asr na pinagsama, gayundin ang Magrib at Isha’ ng pinagsama sa una at huling oras nito.
2. Ang Islam ay magaan at hindi mahirap na Relihiyon, kaya’t tinanggal nito ang anumang nakapagdudulot ng kabalisaan at kahirapan, kaya naisabatas ang mga alituntunin ng pinagsamang pagdarasal upang padaliin ito para sa sambayanang Muslim. 
3. Walang pagkasalungat sa pagitan ng Hadith na ito at sa sinabi ng Allah sa Qur'an: ((Katotohanan, ang pagdarasal ay isang tungkulin na itinagubilin para sa mga nananampalataya sa mga itinakdang oras nito)), sapagka't ang Hadith na ito ay para lamang sa mga hindi pangkaraniwang kalagayan, kung kinakailangan para sa sinumang hindi naman ito ginagawang kaugalian.