ANG LAYUNIN SA BUHAY NG TAO AY ANG MATAMO ANG KALUGURAN NG ALLAH

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 476

Thêm vào yêu thích : 0

27- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, siya ay nagsabi: Narinig ko sa Sugo ng Allah () na kanyang sinasabi: "Ang sinumang naghangad ng kaluguran ng Allah maging ang kapalit nito’y ang pagkapoot ng sangkatauhan, siya ay kakalingain ng Allah sa kasamaan ng sangkatauhan, datapuwa't ang sinumang naghangad ng kaluguran ng sangkatauhan na ang kapalit ay ang pagkapoot ng Allah, siya’y ipagkakatiwala ng Allah sa sangkatauhan".
At-Tirmidhi [Hadith Bilang: (2414)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(5):

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Dapat mauuna ang pagsunod sa Panginoon kaysa sa (Kanyang) mga alipin.
2. Walang ibang paraan upang mapalapit sa Allah  maliban sa taimtim na pagsunod at pagsamba sa Kanya lamang, sapagka’t hindi naaabot ang kanyang habag maliban kung ito ay sa pamamagitan ng tamang pagsunod at pagsamba.
3. Sinuman ang ipinagpalit ang kanyang pananampalataya sa makamundong bagay at natakot sa mga tao, magkagayun sinunod niya sila sa pagsuway sa Allah; at hindi siya natakot sa Allah, hahamakin siya ng Allah at siya'y ipahiya at babaligtarin ang kanyang kalagayan.