ANG DU`A (PANALANGIN) SA RUKU` AT SUJOOD

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 445

Thêm vào yêu thích : 0

29- Si Aishah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Lagi nang sinasabi ng Propeta () sa kanyang pag-ruku’ (yuko) at pag-sujood (pagpapatirapa) ang "Subhaanakallaahumma rabbanaa wa bihamdika, allaahum magh-firlee (Kaluwalhatian sa iyo! O Allah na aming Panginoon at Kapuri-puri. O Allah! Patawarin Mo ako)". Al-Bukhari [Hadith Bilang: (794)] Muslim [Hadith Bilang: 217 – (484)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(5):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Kaaya-ayang basahin ang Du`a na ito sa pagyuko at pagpapatirapa: "Subhaanakallaahumma Rabbanaa wa bi hamdik, Allaahummag firli" bilang pagsunod sa Propeta Muhammad (r).
2. Ang pagbigkas ng Tasbeeh at Du`a habang nakayuko at nakapatirapa ay kabilang sa mga napatunayang katuruan na ginawa ng Propeta (r).
3. Mayroon pang ibang mga salita na napatunayang ginawa ng Propeta (r) sa Tasbeeh, sa Du`a at Dikr sa pagyuko at pagpapatirapa, subali't sadyang iniwan natin upang mapaikli ang pagpapaliwanag.