ANG DU`A (PANALANGIN) SA KAPATAWARAN NG PAGPUPULONG

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 556

Thêm vào yêu thích : 0


35- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: "Ang sinumang dumalo sa isang pagpupulong at nakapagsalita rito ng maraming di-magagandang salita, nguni’t bago siya tumayo sa pagpupulong niyang ito ay nagsabi ng: Subhaanakallaahumma wa bihamdika, ash-hadu allaa ilaaha illa anta, astagh-firuka wa atoobu ilayka (Kaluwalhatian sa Iyo, O Allah! At purihin Ka, ako ay sumasaksi na walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Iyo. Hinihiling ko sa Iyo ang kapatawaran ng aking mga kasalanan at tanggapin ang aking pagsisisi), kundi sa kanya’y patatawarin ang anumang nagawa niyang pagkakamali sa pagpupulong niyaon". At-Tirmidhi [Hadith Bilang: (3433)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nararapat sa isang Muslim ang paggunita sa Allah sa lahat ng kanyang pagpupulong, pagtitipon, pagpupuyat, panayam, paglalakbay, pananatili, handaan, pagdiriwang at sa lahat ng kalagayan ng kanyang buhay.
2. Ang panalangin na ito ay hindi ipinapahintulot sa mga nagtitipon na gumagawa ng mga kasalanan sa pamamagitan ng dila, katulad ng panlilibak, tsismis at mga salitang nanunuligsa sa dangal ng mga tao at sa kanilang mga pagkakamali sa alinmang pagpupulong.
3. Kanais-nais na isaulo ito ng isang Muslim at basahin sa bawa’t pagpupulong.