ANG BABALA SA PAGMAMALIMOS NG MGA YAMAN

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 527

Thêm vào yêu thích : 0

50- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang sinumang nagmamalimos sa mga tao ng kanilang mga yaman bilang pagpaparami; sa katotohanan ang kanyang minamalimos ay isang bunton ng apoy, kaya’t magpaunti o magparami”. Muslim [Hadith Bilang: 105 – (1041)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):




Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Naglalaman ang Hadith na ito ng matinding babala sa sinumang namamalimos sa mga tao ng kanilang yaman nang hindi kinakailangan, at ito ang nagpapatunay na ang paghingi ng limos sa mga tao ng kanilang yaman nang hindi kinakailangan ay isa sa mga mabibigat na kasalanan.
2. Kapag iasa ng isang tao ang kanyang pangangailangan sa mga tao ay hindi rin siya makakaraos, bagkus magpapatuloy siya sa paghingi ng limos at hindi makukuntento, datapuwa’t sinuman ang umasa sa Allah at magtiwala sa Kanya samantalang kanyang ginawa ang lahat ng paraan na ipinag-utos (ng Allah), sa gayon siya ay makakaraos – sa kapahintulutan ng Allah – sapagka’t sinabi ng Allah: {At sinuman ang magtiwala sa Allah, samakatwid, Siya (ang Allah) ay sapat na para sa kanya}. At-Talaq (65:3).