ANG KABUTIHAN NG WUDU’ AT NG LIMANG SALAH
52- Si Uthman ibn Affan (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Ang sinumang nagsagawa ng Wudu’ (paghuhugas) nang ganap ayon sa pag-uutos sa kanya ng Kataas-taasang Allah, sa gayon ang mga ubligadong Salah ay magsisilibing kapatawaran ng mga kasalanan sa pagitan ng mga ito”. Muslim [Hadith Bilang: 11 – (231)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(1):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Wudu’ (paghuhugas) ay isa sa mga dakilang pagsamba na naglaan ang Allah ng malaking gantimpala para dito, kaya nararapat sa isang Muslim na pahalagahan ito at pag-aralan ang mga kaparaanan, mga kondisyon at mga nakasisira nito.
2. Naglalaman ang Hadith na ito ng paghihikayat tungo sa ganap na pagsagawa ng Wudu’ at pagpapabuti nito, at pagkatapos ay ang pagtaguyod sa mga iba pang pagdarasal nang taimtim at mapanatag.
3. Binabanggit ng Hadith na ito ang kadakilaan ng limang ubligadong pagdarasal na nagpapawi ng mga kasalanan, subali’t ito’y para lamang sa magagaan na kasalanan at hindi saklaw ang mabibigat na kasalanan; sapagka’t ang mabibigat na kasalanan ay napapawi lamang sa pamamagitan ng wagas na pagbabalik-loob kalakip ang mga kahilingan nito.