MGA KABUTIHAN NG PAGPAPATIRAPA SA ALLAH

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 185

Thêm vào yêu thích : 0

66- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Ang Propeta () ay nagsabi: “Kinakain ng Apoy (ng Impiyerno) ang anak ni Adam (ng buo) maliban sa bahaging may bakas ng pagpapatirapa, sapagka’t ipinagbawal ng Allah sa Apoy na kainin ang bahaging may bakas ng pagpapatirapa”.
Ibnu Majah [Hadith Bilang: (4326)] Al-Bukhari [Hadith Bilang: (7437)] Muslim [Hadith Bilang: 299 – (182)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):


Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Napaloloob sa Hadith na ito ang kadakilaan ng pagpapatirapa sa Allah sa kadahilanang kinakain ng Apoy ang katawan ng isang Muslim maliban sa mga bahaging ito ng kanyang katawan: Ang nuo kasama ang ilong, ang dalawang kamay, ang dalawang tuhod at ang dalawang paa, sapagka’t ipinagbawal ng Allah na kainin ito ng Apoy, kaya hindi kinakain ng apoy ang alinmang bahagi nito maliban sa kung ano ang ipinag-uutos ng Allah sa kanya na kainin.
2. Itinuturo ng Hadith na ito na ang Allah ay nagbigay ng parangal sa Kanyang mga alipin na nananampalataya, at binibigyan sila ng biyaya sa pamamagitan ng pagsamba at pagsunod sa Kanya, at ginawa Niya itong isang daan upang maabot nila ang Tahanan ng karangalan sa Paraiso, at tunay ngang itinangi Niya sila sa iba sa kanila sa pamamagitan ng kanilang kaliwanagan at kaaliwasan ng pagmumukha, at kagandahan ng pagkakalikha, sapagka’t mananatili ang kaliwanagan na ito sa mga bahaging kanilang ipinatirapa hanggang sa Huling Araw, at ito ay kabilang sa mga kadakilaan ng pagpapatirapa sa Allah.

Dịch vụ AI