KABUTIHAN NG PAGTUSTOS SA ASAWA AT MGA ANAK

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 177

Thêm vào yêu thích : 0

 Si Abu Mas`uod Al-Badrie (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Ang Propeta () ay nagsabi: “Katotohanan, kapag ang isang Muslim ay gumugol sa kanyang pamilya ng isang panustos habang siya’y naghahangad na pagpalain dito, ito’y maituturing sa kanya na isang kawanggawa”.
Muslim [Hadith Bilang: 48 – (1002)] Al-Bukhari [Hadith Bilang: (55)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(2):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito ang kabutihan ng paggugol ng panustos sa asawa at mga anak, bagkus mas mainam pa ito sa paggugol ng kayamanan sa landas ng Allah o sa mga mahirap, sapagka’t ang paggugol sa kanila ng panustos ay isang tungkulin, samantalang ang paggugol sa iba bukod sa kanila ay hindi tungkulin, kaya mas mainam ang paggugol sa isang tungkulin kaysa sa hindi tungkulin.
2. Ang kahulugan ng salitang Ihtisab sa Hadith na ito ay ang paghahangad ng gantimpala (o pagpapala), at ang kahulugan naman ng Sadaqah ay ang gantimpala (ng kawang-gawa), datapuwa’t ang paraan ng Ihtisab ay ang maalaala ng isang muslim na tungkulin niyang gumugol ng panustos sa kanyang asawa at mga anak, magkagayun kapag nilayun niya ang gantimpala mula sa Allah ay makakamit niya ang malaking gantimpala mula sa Allah, subali’t kapag gumugol siya ng panustos sa kanila nang hindi umaasa ng gantimpala; wala siyang makakamit na anumang gantimpala.
3. Ang salitang Infaq ay nangangahulugan ng dalisay na paggugol ng kayamanan para sa mga gawaing pagsunod at pinahihintulutang bagay.