ANG PAGTAGUYOD SA MGA TAHANAN SA PAMAMAGITAN NG PAGSAMBA, PAGGUNITA AT PAGBASA NG QUR’AN

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 174

Thêm vào yêu thích : 0

56- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Katotohanan, ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Huwag ninyong ituring ang inyong mga tahanan ng tulad sa mga libingan, katotohanang si Satanas ay lumalayo sa tahanang binabasa rito ang Suratul Baqarah”. Muslim [Hadith Bilang: 212 – (780)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito ang pagkalehitimo ng pagtaguyod ng pagsamba, paggunita at pagbasa ng Surah Al-Baqarah sa mga tahanan, at gayundin na si Satanas ay lumalayo sa mga tahanan na binabasa rito ang Surah Al-Baqarah.
2. Hindi maaaring hayaan ng isang Muslim ang kanyang tahanan na malayo sa pagsamba sa Allah, sa paggunita sa Kanya at pasasalamat upang hindi maituring na tulad ng mga libingan na parang mga patay ang mga nandodoon.

KABUTIHAN NG “ALLAAHUMA RABBANA LAKAL HAMDU”
57- عَنْ أَبيْ هُرَيْرَةَ  أَنَّ رَسُوْلَ اللهِ  قَالَ:  "إِذَا قَالَ الْإِمَامُ: سَمِعَ اللهُ لِمَنْ حَمِدَهُ؛ فَقُوْلُوْا: اَللَّهُمَّ رَبَّنَا لَكَ الْحَمْدُ؛ فَإِنَّهُ مَنْ وَافَقَ قَوْلُهُ قَوْلَ الْمَلَائِكَةِ؛ غُفِرَ لَهُ مَا تَقَدَّمَ مِنْ ذَنْبِهِ". (صحيح البخاري, رقم الحديث 796, وأيضاً صحيح مسلم, رقم الحديث 71- (409),). 
57- Si Abu Hurairah (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: Katotohanan, ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Kapag sinabi ng Imam (namumuno sa Salah) ang: Sami-allaahu liman hamidah (Naririnig ng Allah ang sinumang nagpupuri sa Kanya); inyong sabihin: Allaahumma rabbanaa lakal hamdu (O Allah! Na aming Panginoon, sasa Iyo ang lahat ng pagpupuri); sapagka’t ang sinumang sumabay ang kanyang salita sa salita ng mga Anghel; sa kanya’y patatawarin ang mga nauna niyang kasalanan”. Al-Bukhari [Hadith Bilang: (796)] Muslim [Hadith Bilang: 71 – (409)].
Ang taga-ulat ng Hadith na ito’y nabanggit na sa Hadith na ika-(13):

Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Itinuturo ng Hadith na ito ang lawak ng pagpapala ng Allah, sapagka’t naglaan ng kapatawaran sa mga kasalanan dahil sa isang gawaing walang kahirap-hirap; sapagka’t kapag natapat ang salita ng isang Ma’mum na: “Allaahumma Rabbanaa Lakal Hamdu” sa salita ng mga anghel; sa kanya’y patatawarin ng Allah ang mga nauna niyang kasalanan.
2. Kapag natapos ng nagdarasal ang kanyang Ruku` (pagyuko); iaangat niya ang kanyang ulo at sasabihin ang: “Sami-allaahu liman hamidah” kapag siya ang Imam o mag-isang nagdarasal, subali’t kapag siya ay Ma’mum, hindi na niya sasabihin ang: “Sami-allaahu liman hamidah” bagkus kanyang sasabihin ang: “Allaahumma Rabbanaa lakal Hamdu” pagkatapos sabihin ng Imam ang: “Sami-allaahu liman hamidah”, at ang kahulugan ng: Sami-allaahu liman hamidah ay: “Naririnig ng Allah ang sinumang nagpupuri sa Kanya”.