ANG PAGKATATAG NG PAMAYANANG ISLAMIKO

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 174

Thêm vào yêu thích : 0


Masayang sinalubong ng mga tao sa Madinah ang pagdating nina Propeta Muhammad at Abu Bakar.

Ang mga mamamayan ng Madinah ay binubuo ng mga Muhajirun (mga nagsipaglikas na Muslim mula sa Makkah); mga Ansar (mga Muslim na taga-Madinah); mga pagano; at iba't ibang lahi at tribu ng mga Hudyo.

Itinatag ang pamayanang Islamiko sa Madinah at doon nagsimulang ipatupad ang batas ng Banal na Qur’an (mga salita ng Allah(U)at ang Sunnah (mga gawa, winika, pangaral at sinang-ayunang gawa ni Propeta Muhammad ().

Ang mga Hudyo ay itinuring na mga mamamayan ng pamayanang Islam. Subali’t tungkulin nilang makipaglaban kasama ang mga Muslim kung sakaling ang Madinah ay lulusubin ng mga kaaway at tungkulin din nilang magbayad ng kanilang kabahagi sa anumang nagagastos sa mga labanan. 

Binigyan din ang mga di-Muslim ng pagkakataong magkaroon ng kalayaan sa kanilang pananampalataya, habang ipinaaalam din sa kanila ang batas o turo ng Islam.

Dịch vụ AI