SHIRK Pagbibigay-katambal sa Pagsamba AllahU.

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 63

Thêm vào yêu thích : 0


Mga Uri ng Ash-Shirk Al-Akbar (Malaking Politeismo)

Politeismo sa Panawagan.  Ating matutunghayan sa Banal na Qur'an:

                   
"At kapag sila ay lumulan sa barko, sila ay nananawagan sa Allah, na ginagawa nilang dalisay ang kanilang pananampalataya para sa Kanya lamang.  Subali't kapag naihatid na sila ng Allah sa kaligtasan, masdan, sila ay nagtatalaga ng mga katambal sa Allah. " (Al-Ankabut-29:65)

Politeismo sa Layunin, Naisin at Hangarin. Ating basahin ang ipinahayag sa Banal na Qur'an:

                                   
"Sinumang maghangad ng buhay sa mundo at ang ningning nito, Aming babayaran sila nang lubos sa kanilang mga gawa at sila ay hindi magkakaroon ng kabawasan dito.  Sila'y wala ng makukuha sa kabilang buhay kundi ang Apoy.  At walang kabuluhan ang kanilang mga gawa dito, at walang ibubunga ang kanilang ginagawa noon."  (Hud-11:15-16)

Politeismo sa Pagsunod.  Ang pagpapakita ng pagtalima sa mga utos ng iba at pagsuway sa AllahU.

                            
"Sila (Hudyo at Kristiyano) ay nagturing sa kanilang mga rabbi at sa kanilang mga pari na kanilang mga panginoon bukod sa Allah (sa pamamagitan ng pagsunod sa kanila, sa kanilang mga ipinahihintulot o ipinagbabawal ayon sa kanilang sariling mga hangarin ng hindi ipinag-uutos ng Allah) at (kanila ring itinuturing na panginoon) ang Mesiyas na anak ni Maria, samantalang ipinag-utos sa kanila (Hudyo at Kristiano sa batas ni Moises (Torah) at batas ni Hesus (Ebanghelyo)) na walang sasambahin maliban ang nag-iisang Diyos (Allah) – walang tunay na Diyos maliban sa Kanya.  Ang papuri at pagluwalhati ay sa Kanya lamang.  Sadyang kay layo Niya sa pagkakaroon ng katambal na kanilang iniuugnay sa Kanya." (At-Taubah-9:31)

Politeismo sa Pagmamahal. Ang pagpapakita ng pagmamahal sa iba na dapat ay para sa AllahU lamang.  Sinabi ng AllahU sa Banal na Qur'an:

             
  "At sa sangkatauhan ay may sumasamba sa iba bukod pa sa Allah. Minamahal nila ang mga ito katulad ng pagmamahal nila sa Allah."  (Al-Baqarah-2:165) 

2.  Ash-Shirk Al-Ashgar (Maliit na Politeismo) 

Ang maliit na politeismo ay Riyaa (Pakitang-tao o pagkukunwari), katulad ng sinabi ng AllahU:

               
"Kaya, sinuman ang umaasang haharap sa kanyang Panginoon, hayaan siyang gumawa ng mabubuti at huwag magtambal sa pagsamba sa kanyang Panginoon." (Al-Kahf 18:110) 

Ang sabi ng Sugo ng Allah: ‘Ang higit kong kinatatakutan sa inyo ay ang Shirk Al-Ashgar. Nang tanungin siya kung ano ito, siya ay nagsabi; ang nakakubling Shirk.’ (Ahmad, At-Tabarani, Bayhaqi).

"Ang Sugo ng Allah ay nagsabi:  Sinumang sumumpa sa pangalan ng iba maliban sa Allah  ay isang Mushrik (mga sumasamba sa diyus-diyusan)."

3.   Ash-Shirk Al-Khafi (Nakatagong Politeismo)

Ang nakatagong politeismo ay ipinaliwanag ng Sugo ng Allah:

الشِّرْكُ فِي هَذِه الأمَّة أخْفَى مِن دَبِيب النَّمْلَة السَّوْداء عَلَى صفاة سَوْداء فِي ظُلْمَةِ اللَّيْل.

"Ang di-nakikitang politeismo sa Ummah (sambayanang Muslim) na ito ay nakatago nang higit pa sa mga bakas ng itim na langgam sa itim na bato sa isang madilim na gabi."

Narito ang duá o panalangin sa paghingi ng tawad hinggil sa paggawa ng kasalanang ito.  Ayon sa pahayag ng Sugo ng AllahU, ito ay:

اللهُمَّ إِنِّي أَعُوذُ بَكَ أنْ أُشْرِكَ بِكَ شَيْئاً وَأَنَا أَعْلَم وَأَسْتَغْفِرُكَ مِنَ الذَّنْبِ الذِي لا أَعْلَم.

"O Allah! Katotohanan ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa pagbibigay katambal sa pagsamba sa Iyo at ako ay nagsusumamo para sa Iyong kapatawaran sa mga  kasalanang hindi ko nalalaman."