Mga Ipinagbabawal Habang Nakasuot Ng Ihram.

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 63

Thêm vào yêu thích : 0

Mga Ipinagbabawal Habang Nakasuot Ng Ihram.
محظورات الإحرام
Huwag magpakalbo, magpaputol o magbawas ng buhok o bumunot sa iyong mga buhok maliban kung ito ay kailangang putulin o kalbuhin .
Huwag magpaputol ng kuko.
Huwag magpahid ng pabango sa Ihram.
Huwag  magsuot ng telang may tahi  (kamisadentro, turban, pantalon) para sa mga lalaki  .
Huwag talukbungan ang ulo. ( sa mga lalaki )
Huwag mamanhikan o kumontrata sa pag-aasawa.
Huwag mag-asawa.
Huwag makipagtalik sa asawa
Huwag pumatay o tumulong sa pagpatay ng mga insekto, hayop at iba pang may buhay, maliban kung ito ay makapipinsala katulad ng ahas at iba pang mga makamandag na hayop at insekto  .

2. MIQAT: ito ang mga himpilang itinakda ng Sugo ng Allah  sa mga perigrino upang doon isagawa ang mga pangunahing gawain sa banal na paglalakbay (‘Hajj) katulad nang mga paglilinis sa katawan bago maisuot ang IHRAM  at maisagawa ang layunin sa paglalakbay.


Ang Mga Mawaqit (Miqat) 
O Himpilan 

1. Ang DHUL HULAIFA  (Abar Ali) sa Madinah.
2. Ang AL JUHFA sa Sham.
3. Ang QARN-UL-MANAZIL sa Najd.
4. Ang YALAMLAM sa Yemen.
5. Ang Dhatu-Irq sa Iraq.
6. Ang Tana’im sa Makkah.

3. Ang Tawaf:  ito ang pag-ikot ng pitong ulit o beses sa Kaabah. Sa pag-ikot na ito ay kinakailangang mag-umpisa sa ‘Hajjar-al-Aswad o sa itim na bato sa pamamagitan nang paghalik dito o di  kaya ay mahawakan ito o tumayo sa guhit   na   itim  sa  sahig  ng Ka’abah 












at itaas ang kanang kamay at humarap sa kinaroroonan ng itim na bato at bigkasin ang Allaho Akbar. Bawat ikot ay tinatawag na Shawt at sa pag-ikot na ito ay itinatagubilin sa mga lalaki na bilis-bilisan  nang bahagya ang paglalakad nila sa unang tatlong ikot [Ito ang tinatawag na Ramal,] at habang  umiikot sa Kaabah ay gumawa nang mga panalangin o Dhikr para sa Allah , dahil walang nakatakdang panalangin sa bawat pag-ikot dito. Ang bawat ikot ay dito rin nagtatapos sa guhit na itim na nakatutok sa Hajjar-al-Aswad. At sa pag-ikot na ito  sakaling  sumapit na sa pagitan ng Rukn Yamani (Kanto ng Yamani) at ‘Hajjar-al-Aswad ay  kanais-nais na bigkasin mo ang panalangin na ito:


“Rabbana aatina fiddunya ‘hasanatan wa fil A’khirati ‘hasanatan waqina ‘adhaaban naar”, ang kahulugan ay: “O! Allah pagkalooban Mo  kami ng mga kanais-nais sa mundong ito at mga kanais-nais sa kabilang buhay at iligtas Mo po kami sa kaparusahan sa Apoy! (ng Impiyerno)”. Pagkatapos ng pitong pag-ikot ay magdasal ng dalawang rak’at  na nakaharap sa Maqam Ibrahim (Ang Estasyon ni Propeta Abraham) o kahit saan mang lugar sa loob ng Masjid Al Haram (Kaabah). Kung ang Tawaf ay hindi kaya ng perigrino sa dahilang siya ay may sakit o may kapansanan ay pinapahintulutang isagawa ang tawaf na nakasakay. Pagkatapos ng tawaf ay lalong katanggap-tanggap kung ang perigrino ay uminom ng tubig Zam-zam.

Tandaang mabuti na ang ‘Hajjar al Aswad o ang itim na bato ay walang obligasyong maidudulot ito sa rituwal ng Hajj. Ang hindi makahalik o hindi makahipo sa batong itim ay hindi makababawas sa bisa ng ‘Hajj at ang mga paniniwalang ito na naglalaman daw ng lubhang kahalagahan o biyaya ay lihis sa katuruan ng Islam, bagkus ito ay kasama sa mga paniniwala ng mga Bid’ah. Sapat na sa perigrino, kung mahihirapan siya sa paghalik o paghipo sa batong ito ang itaas ang kanang kamay na nakaharap sa ‘Hajjar al Aswad at bigkasin ang  “Allaho Akbar”. Ang paghipo sa apat na kanto ng Kaabah habang iniikot ito ay hindi tama, ang totoo ay kasama sa mga gawain ng Propeta  ang humipo o humawak sa Rukn al Yamani (kanto ng Yamani) at ang ‘Hajjar al Aswad ganoon din ang kanyang panalangin sa pagitan ng dalawang ito ay 
“Rabbana atina fiddunya ‘hasanatan wa fil Akhirati ‘hasanatan wakina adhaban-nar”. Ang pakikipagsiksikan at gumawa ng mga bagay na makakapanakit sa kapwa perigrino habang isinasagawa ang tawaf ay iwasan. Ang mga babaeng nireregla ay hindi pinapayagang mag-tawaf at dapat sa kanilang hintayin ang taning ng kanilang regla bago nila maisagawa ang tawaf.