Ang Ziyarah o Pagdalaw sa Masjid ng Propeta  at Medinah.

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 236

Thêm vào yêu thích : 0

Ang pagdalaw ng mga Perigrino sa Masjid ng Propeta  at Madinah ay walang kinalaman sa mga rituwal ng ‘Hajj bagkus ito ay kasama sa mga Sunnah at maaring maisagawa ang pagdalaw na ito bago sumapit ang ‘Hajj o pagkatapos ng ‘Hajj o sa mga ibang araw o buwan maliban sa buwan ng ‘Hajj. Gayon pa man, ang mga pagsambang naisagawa sa masjid na ito ay mas mahalaga ng isang libong beses na pagdarasal kaysa mga pagsambang naisagawa sa ibang mga Masjid maliban sa (Ka’abah) banal na Masjid sa Makkah na ang mga pagsambang maisagawa dito ay mas nakahihigit ng isang daan libong pagdarasal kaysa mga pagsambang naisasagawa sa ibang mga masjid.
Bilang babala at paala-ala sa mga perigrino sa pagsasagawa sa pagdalaw na 


ito ay iwasang (mag-Tawaf) ikutin ang mga puntod o libingan ng Propeta  at ang kanyang mga kasamahan o di kaya ay manalangin na nakaharap sa Propeta , halikan o haplusin ang bakod ng mga libingan na ito na may kasamang paniniwala na ito ay makapagbibigay ng himala o ibang layunin, maliban sa ito ay pagdalaw lamang at walang pagsamba o pag-aalay para sa kanila ang niloloob ng iyong hangarin dahil ito ay Shirk o pagtatambal sa Allah  .

Mga Pamamaraan sa pagdalaw na ito:

Ang hangarin o layunin ay upang dalawin ang Masjid ng Propeta  .
Pumasok sa pintuan ng Al-Salam sa Masjid ng Propeta  at ang kanang paa ang unang ipasok sa loob ng Masjid at banggitin ang panalangin na ito:
((بِسْمِ اللهِ، وَالسَّلاَمُ عَلَى رَسُول اللهِ، اَللَّهُمَّ اغْفِرْلِي ذُنُوبِي وَافْتَحْ لِي أَبْوَابَ رَحْمَتِكَ))
 “ Bismillahi, Wassalamu ‘ala Rasulillahi, Allahummaghfirli dhdhonubi waftahli abwaaba Ra’hmatik”. 

Ang kahulugan ay: “Sa Ngalan ng Allah (), ang kapayapaan at pagpapala ay mapasa Sugo ng Allah. O! Allah, patawarin ako sa aking mga pagkakasala at buksan sa akin ang mga pintuan ng Iyong Awa.” 
Magdasal ng dalawang rak’at bilang pagbati sa Masjid. Lalong kanais-nais kung sa pook ng Rawdah (Hardin) makapagdasal dahil nabanggit sa Hadith mula sa salaysay ni Bukhari at Muslim na sinabi ng Propeta ; “Sa pagitan ng aking bahay at ang aking pulpito ay harding mula sa Hardin ng Paraiso”.
Magpunta sa puntod ng Propeta ng mahinahon, ibigay ang pagbati sa Propeta  sa pamamaraan ng pagbanggit sa mga pagbating ito:
اَلسَّلاَمُ عَلَيْكَ يَا نَبِيَّ اللهِ، اَلسَّلاَمُ عَلَيْكَ يَا خَيْرَةَ خَلْقِ اللهِ، اَلسَّلاَمُ عَلَيْكَ أَيُّهَا النَّبِيُّ وَرَحْمَةُ اللهِ وَبِرَكَاتُهُ. أَشْهَدُ أَنْ لاَ إِلَـهَ إِلاَّ الله، وَأَشْهَدُ أَنَّكَ عَبْدُ اللهِ وَرَسُولُهُ، قَدْ بَلَّغْتَ الرِّسَالَةَ، وَأَدَّيْتَ اْلأَمَانَةَ، وَنَصَحْتَ اْلأُمَّةَ، وَجَاهَدْتَ فِي اللهِ حَقَّ جِهَادِهِ، صَلَّى اللهُ عَلَيْكَ وَعَلَى آلِكَ وَأَزْوَاجِكَ وَذُرِّيَاتِكَ.
 “Assalaamu ‘alayka ya Nabiyyullah, Assalaamu ‘alayka ya ‘khayrata ‘khalqi-Llah, Assalaamu ‘alayka ayyuhan Nabiyyu wara’hmatu Llaahi wabaraka-tuho. Ash-hadu an-laailaaha illa-Lllaah, wa ash-hadu annaka ‘abduLlaahi wa rasuluho, Qad ballaghtar risaalata, wa addaytal  amaanata, wa jaahadta fil –Laahi haqqa jihaadihi, salla-Llaahu ‘alayka wa ‘ala ‘aalika wa azwaajika wa dhurriyaatika”.

Ang kahulugan ay: “Sa iyo nawa ang kapayapaan O Sugo ng Allah! Sa iyo nawa ang kapayapaan o pinakamabuti sa sangkatauhan! Sa iyo nawa ang kapayapaan O Propeta ng Allah!. Ako ay sumasaksi na walang diyos maliban sa Allah  at ako ay sumasaksi na ikaw ay alipin at Sugo ng Allah. Naiparating mo ang mensahe at nagampanan mo ang ipinagkatiwala sa iyo, nasabihan mo (o napayuhan mo) ang Ummah at ikaw ay nagpakahirap sa landas ng Allah  . Pagpalain ka ng Allah  , ang iyong mga kamag-anak, ang iyong mga asawa at ang iyong mga supling.”

Batiin si Abubakr al-Siddeq  at sabihin ang:
اَلسَّلاَمُ عَلَيْكَ أَبَا بَكْرٍ الصِدِّيْقَ صَفِيَّ رَسُوْلِ اللهِ، وَصَاحِبَهُ فِي الْغَارِ، جَزَاكَ اللهُ عَنْ أُمَّةِ رَسُوْلِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ خَيْرًا.
“Assalaamu ‘alayka Aba-Bakrin siddeeqa ‘safiyyar Rasulullaahi,  wa ‘saa’hibahu fil ghaari, jazaaka-Allahu ‘an ummati rasulillahi ‘salla-Llaahu ‘alayhi wasallama ‘khayran”.

Ang kahulugan ay: “Sa iyo nawa ang kapayapaan O Abubakr  ! Ang matalik na kaibigan ng Sugo ng Allah  at ang kanyang kasama sa kuweba. Sumaiyo nawa ang gantimpala ng Allah  (dahil) sa iyong paglilingkod sa Islam at (sa mga) Muslim.”

Batiin si ‘Umar  at sabihin ang:
اَلسَّلاَمُ عَلَيكَ يَا عُمَرَ الفَارُوقَ وَرَحْمَةُ اللهِ وَبَرَكَاتُهُ جَزَاكَ اللهُ عَنْ اُمَّةِ مُحَمَّدٍ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ خَيْرًا.
“Assalamu ‘alayka ya ‘Umar alfa-rooqa warahmatullahi wabaraka tuho , jazaaka-Allahu ‘an ummati Mu’hammadin rasulo-Llahi ‘salla-Llahu ‘alayhi wa sallama ‘khayran.”

Ang kahulugan ay: “ Sa iyo nawa ang kapayapaan O ‘Umar  ! AL-Faarouq! Suma iyo nawa ang gantimpala ng Allah  (dahil) sa iyong paglilingkod sa Islam at (sa mga) Muslim.”

Kung ikaw ay natapos na sa pagdalaw at sa iyong paglabas ay nararapat na ikaw ay nakaharap sa pintuan at kumilos na parang ikaw ay nanggaling sa isang pangkaraniwang Masjid.

Mga pook na kanais-nais dalawin:

Masjid Quba : Ang Sugo ng Allah  ay malimit niyang dalawin ang Masjid na ito at nagdadasal dito. Mula sa salaysay ni Ibn Majah ay sinabi ng Sugo ng Allah : “Ang sinuman ang dalisayin ang sarili sa kanyang bahay at magpunta sa Masjid Quba at magdasal doon, siya ay bibigyan ng gantimpala kasintulad ng gantimpala ng ‘Umrah”.
 Libingan ng mga Marter sa Uhod : Ang Sugo ng Allah  ay malimit niyang dalawin ang mga libingan ng mga marter sa Uhod upang sila ay batiin. Mula sa salaysay ni Bukhari at Muslim: Sinabi ng Sugo ng Allah, “Ang (Uhud ay) bundok na pinakamamahal natin at nagmamahal din sa atin.”
 Jannat al Baqi’ : ito ang libingan o sementeryo ng Madinah at malimit dalawin ito ng Sugo ng Allah upang batiin ang mga nakalibing dito at karamihan sa kanila ay mga kasamahan niya, mga tagasunod sa kaniya at mga makarelihiyosong Muslim. Sila ay malimit batiin ng Propeta sa pagbati na ito:
((اَلسَّلاَمُ عَلَيْكُمْ أَهْلَ الدِّيَارِ مِنْ الْمُؤْمِنِيْنَ وَالْمُسْلِمِيْنَ، وَإِنَّا إِنْ شَاءَ اَللهُ بِكُمْ لاَحِقُوْنَ، نَسْأَلُ اللَّهَ لَنَا وَلَكُمُ الْعَافِيَةَ))
“Asslaaamu ‘alaykom ahlad diyaari minal Mu’mineena wal Muslimeen, wa inna insha Allaho bikom la hiqoon, nas alaLlaaha lana walakomol ‘aafiyah.”
 Ang kahulugan: “Sumainyo nawa ang kapayapaan O angkan ng pook na ito mula sa mga Mu’mineen at mga Muslim! At kami, Kung papayag ang Allah  , ay makakasama sa inyo. Hinihiling namin sa Allah  na pagkalooban kayo at kami ng Kanyang Pangangalaga (o Pagtangkilik).”

((اَللَّهُمَّ اغْفِرْ ِلأَهْلِ بَقِيْعِ الْغَرْقَدِ))
“Allaahummaghfir liahli Baqi’ ilgarqadi”
Ang Kahulugan: “ O Allah  patawarin Mo ang mga naninirahan sa Jannat Al-Baqi’.”


Mga Bagay na dapat gawin sa isang namatay na Muhrim (Perigrino).

Ang namatay na perigrino ay hinuhugasan ng tubig at walang pabangong ipapahid sa kanya o di kaya ay takpan ang kanyang ulo, dahil sa Araw ng Muling Pagkabuhay (Resurrection Day) siya ay bubuhaying muli bilang isang perigrino.
Kung ang isang tao ay namatay sa loob ng barko habang ito ay naglalakbay at imposibleng mailibing ito sa lupa, ang kanyang katawan ay iniipit (na mahigpit na nakatali) sa pagitan ng dalawang makapal na tabla (upang hindi ito lumutang) at itapon sa dagat ( baka sakaling makarating ito sa dalampasigan at mailibing nang maayos nang sinumang tao ang makakuha sa kanyang bangkay).


Dịch vụ AI