ANG PAGTATAPOS Pagkatapos ng Hajj, ano ang susunod dito?

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 234

Thêm vào yêu thích : 0

Kapatid kong nagsasagawa ng Hajj..Ngayong pagkatapos nating umikot sa Kaabah sa mabilis na paglalakbay na ito sa malalaking layunin ng Hajj ay napakaganda segurong tumigil muna tayo nang may pagmumuni-muni upang mapakinabangan natin ang mga naunang nabanggit.
Kaya't ang magsasabi ko lamang, gayong nasa Allah ang gabay:
Kapatid kong nagsasagawa ng Hajj..Halina't punahin natin na ang naglapit ng pangangaso sa mga Sahabah at ng babae sa lalaki sa Hajj ay Siya rin ang naglapit sa ipinagbabawal na larawan, at ipinagbabawal na pakinggan at ipinagbabawal na inumin at ipinagbabawal na kayamanan sa isang lingkod sa lahat ng lugar ng mundo, at ang dahilan ay iisa, ito'y {upang mapag-alaman ng Allah kung sino (sa inyo) ang tunay na nangangamba sa Kanya sa kabila ng Kanyang pagkalingid. Kaya't sinuman ang lumabag dito makaraan (ang pagpapahayag na) ito, sasakanya ang isang masakit na kaparusahan} Al-Maidah (05:94)

Kaya ang tanong: Ikaw ba ay mananatili pa rin sa iyong pakikibaka para sa iyong sarili sa kaisahan ng pagmamahal, pagkatakot at pagbalik-loob sa Allah pagkatapos mong makabalik mula sa Hajj, bagkus hanggang sa araw ng iyong pakikipagtagpo sa iyong Panginoon?
Kapatid kong nagsasagawa ng Hajj: Dati-rati'y sinasabi mo lang sa iyong dila noong ikaw pa ay nasa iyong bansa, na iyong minamahal ang Allah, na ikaw ay natatakot sa Kanya ng may kapakumbabaan at nagtitiwala sa Kanya, subali't ang lahat ng ito ay pag-aakala lamang mula sa iyo, nangangailangan ng patunay sa iyong katapatan. Sa katunayan dumating ang Hajj upang ito ang siyang maging patunay mo sa iyong katapatan, datapuwa't ito'y pagkatapos na patotohanan ng iyong mga kasukasuan ang iyong dila, kaya't mapalad ka, kung tinanggap ito ng Allah sa iyo, sinabi Niya {(Alalahanin) ang Araw na ang bawa’t kaluluwa ay tatambad na makikipagtalo sa kanyang sarili, at ang bawa’t kaluluwa ay babayaran nang ganap ayon sa kanyang ginawa (mabuti man o masama), at sila ay hindi pakikitunguhan ng di-makatarungan} An-Nahl: (16:111)
Kaya't ikaw ay makikipagtalo sa iyong sarili upang mabigyan mo ng katuparan ang dakilang mga layunin na ito, at ang iyong mga kasukasuan ay maging saksi rito, kaya dalasan mo ang panalangin sa Allah para sa pagtanggap.
Kapatid kong nagsasagawa ng Hajj..Dahil sa Hajj na ito, maaaring ikaw ay itampok ng Kagandahang-loob ng iyong Panginoon sa isang antas na hindi mo ito maaabot kung ikaw ay nanatili lamang sa iyong bansa habang sinasamba ang Allah sa mahabang panahon, kaya dapat mong purihin dito ang Allah at pasalamatan, dahil ang pagpapasalamat ay nakapagdadagdag sa mga Materyal na Biyaya tulad ng kayaman, mga anak na lalaki, lalung-lalo na sa mga Pangunahing Biyaya tulad ng kaibayuhan ng pananampalataya at pagiging mapaggawa ng kabutihan, sapagka't ang Allah ay Lubos na Mapagbigay at Mapagkaloob, samakatuwid ang Allah ay Panginoon ng mga taong madalas magpasalamat.
Kaya pagkatapos ng Hajj, gawin ang pamamaraan ng iyong buhay na maging masigasig sa pag-aabot ng dakilang karangalan na siyang ipinagkaloob sa iyo ng Allah, at ito'y sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kadahilanan ng katatagan tulad ng pakikipagkaibigan sa mga mabubuting tao, ng madalas na panalangin, paglayo sa mga pabayang lugar at sa mga tao nito, at maging abala sa mabuting gawain hanggang sa iyong makatagpo ang iyong Panginoon na sa iyo'y nalulugod at ikaw din naman ay malugod sa Kanya. Siya ay nagsabi: {(Sila ay nagsasabi): “Aming Panginoon! Huwag Mong hayaang malihis ang aming mga puso matapos Mo kaming patnubayan, at pagkalooban Mo kami (O Allah) ng Habag mula sa Iyong Sarili, katotohanang Ikaw ang Tagapagkaloob (ng Habag)} Al-Imran (03:08)
Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng lahat ng nilalang, nawa'y itampok Niya ang maraming pagpapala at kapayapaan sa pinuno nating si Muhammad, sa kanyang pamilya at sa lahat ng kanyang mga kasamahan.