Magbalik-Islam Isang Bukas na Paanyaya

img

Marqoom

Danh mục :

Ngôn ngữ : Filipino

Lượt xem : 197

Thêm vào yêu thích : 0

Ang pagpupuri ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng mga nilikha. Nawa'y igawad ng Allah ang Kanyang kapayapaan at pagpapala sa huling Propeta na si Propeta Muhammad (sas), sa kanyang pamilya at mga kasamahan at sa lahat ng taong tumatahak sa tamang landas.

Magbalik-Islam, ito ay isang paanyaya na may malalim na kahulugan. Magbalik-Islam, paanya-yang ginagamit ng mga Muslim sa kanilang pagpapalaganap ng Salita ng Allah (swt). Paanyayang ginagamit ng isang Muslim upang hikayatin ang tao na magbalik sa tunay na relihiyon na ibinigay sa kanya ng Allah. Ang Allah (swt) ay nagwika sa Banal na Qur'an: 

“Anyayahan (ang Sangkatauhan) sa landas ng iyong Panginoon (sa Islam) nang may kaalaman (sa kapahayagan at Banal na Qur'an) at sa matuwid na pangangaral, at makipagtalakayan sa pamamaraang pinaka-mainam. Katotohanan! Lubos na nababatid ng Panginoon kung sino ang nangaligaw sa Kanyang landas, at Siya ang higit na naka-babatid kung sino ang mga napatnubayan.”  Qur'an 16:125  

Bakit magbalik-Islam? Ano ba ang nais ipakahulugan ng salitang Islam? At bakit tayo nararapat magbalik dito?

Dalawang dahilan kung bakit dapat magbalik-Islam:

1. Sapagka't ito ang tanging relihiyon na ibinigay ng Diyos sa lahat ng Kanyang nilikha .

2. Sapagka't ito rin ang unang relihiyon na sinunod ng mga ninunong Pilipino bago pa dumating ang mga Kastila o ang Kristiyanismo. 

ANO ANG ISLAM?
Ang Islam ay isang salitang Arabic na nanga-ngahulugan ng ganap na pagsuko at pagpa-pasakop. Kapag ito ay ginamit sa katawagang pangrelihiyon, ang kahulugan nito ay ang ganap na pagpapasakop at pagsunod sa nag-iisang Diyos - Ang Allah (swt).

Ang “Islam” ay nagmula sa salitang “Salam” na ang kahulugan ay kapayapaan. Ang sinumang ganap na nagpapasakop at tumatalima sa utos ng Allah (swt) ay tumatanggap mula sa Kanya ng tunay na kapayapaan.


SINO ANG MGA MUSLIM?
Ang salitang Muslim ay katawagan sa mga nilikha na ganap na nagpapasakop at tumatalima sa utos ng Allah (swt).

SINO ANG ALLAH?
Ang Allah (swt) ang Siyang tunay at tanging Diyos na Tagapaglikha. Siya’y walang anak, hindi Siya ipinanganak at Siya’y walang katulad. Siya ay hindi lamang Diyos ng mga Muslim o ng isang tribu o pangkat ng tao, bagkus Siya ang Diyos ng lahat at Siya lamang ang karapat-dapat sambahin at wala ng iba pa. Siya lamang ang pinasasamba ng lahat ng Propeta simula pa kay Adan na siyang kauna-unahang taong Kanyang nilikha.

Ang Allah (swt) ay maliwanag na nagpahayag ng Kanyang Sarili sa sumusunod na talata: “Allah, walang tunay na Diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa Kanya. Ang Buhay, Ang Walang Hanggan. Ang antok at idlip ay di-makapangyayari sa Kanya. Siya ang nagma-may-ari ng lahat ng nasa mga kalangitan at sa kalupaan. Sino baga kaya ang makapa-mamagitan sa Kanya malibang Kanyang pahintulutan? Talastas Niya ang nakaraan o hinaharap at maging ang lingid (sa Kanyang mga nilikha) Walang makaaabot sa Kanyang kaalaman malibang Kanyang naisin. Ang Kanyang Luklukan ay abot ang mga kalangitan at kalupaan, at Siya ay hindi nakadarama ng kapaguran sa pagpapanatili sa kanila, sapagka’t Siya ang Kataas-taasan, ang Kabanal-banalan. ” Qur’an 2:255

Pinananatili ng mga Muslim na Siya’y tawagin sa Kanyang pangalang Allah (swt) dahilang Siya mismo ang nagbigay ng Kanyang pangalan sa pamamagitan ng kapahayagan na ipinadala Niya sa Kanyang Propeta.