Sa sandali ng pagkakasuot ng sapatos o medyas, maaari ang magpahid sa mga ito nang wala nang pangangailangan sa paghuhugas ng mga paa, kalakip ng mga sumusunod na kundisyon:
1. na ang pagkakasuot ng mga ito ay matapos ng pagkasagawa ng isang buong ṭahārah dahil sa maliit na ḥadath at malaking ḥadath;
2. na ang khuff o ang medyas ay mga ṭāhir: hindi mga najis;
3. na ang pagpahid ay sa yugtong itinakda para rito;
4. na ang khuff o ang medyas ay ipinahihintulot (ḥalāl): hindi ninakaw o inagaw.
Ang khuff ay ang isinusuot sa paa, na yari sa manipis na katad at tulad nito. Ang tulad nito ay ang sapatos na tumatakip sa mga paa. Ang medyas ay ang isinusuot ng tao sa mga paa niya, na yari sa tela at tulad nito. Ang tulad nito ay ang tinatawag na stocking.
Ang Kasanhian ng Pagkaisinasabatas ng Pagpapahid sa Khuff: Ang kasanhian ng pagpapahid sa khuff ay ang pagpapaginhawa at ang pagpapagaan sa mga Muslim na nahihirapan sa paghuhubad ng khuff o medyas at paghuhugas ng mga paa, lalo na sa mga oras ng taglamig at matinding ginaw at sa paglalakbay.
Ang Yugto ng Pagpapahid: Ang yugto ng residente ay isang araw at isang gabi (24 oras). Ang yugto ng manlalakbay ay tatlong araw kasama ng mga gabi nito (72 oras).
Nagsisimula ang pagtataya sa yugto ng pagpapahid mula sa unang pagpapahid sa khuff o medyas matapos ng ḥadath.
Ang Paraan ng Pagpapahid sa Khuff o Medyas:
1. Babasain ang mga kamay.
2. Padadaanin ang kamay sa ibabaw ng paa (mula sa mga dulo ng mga daliri hanggang sa simula ng lulod).
3. Papahiran ang kanang paa ng kanang kamay at ang kaliwang paa ng kaliwang kamay.
Ang mga Tagapawalang-saysay sa Pagpapahid: 1. Ang anumang nag-oobliga ng ghusl; 2. Ang pagwawakas ng yugto ng pagpapahid.