MGA PALATANDAAN NG BULAANG KRISTO

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 2

添加到收藏 : 0

7- عَنْ أَنَسِ بْنِ مَالِكٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ، قَالَ: قَالَ رَسُوْلُ اللَّهِ صَلَّى
اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: "الدَّجَّالُ مَمْسُوحُ الْعَيْنِ، مَكْتُوْبٌ بَيْنَ عَيْنَيْهِ كَافِرٌ"،
ثُمَّ تَهَجَّاهَا: ك، ف، ر، "يَقْرَؤُهُ كُلُّ مُسْلِمٍ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 103 - (2933)، واللفظ له،
وصحيح البخاري، رقم الحديث 7408).
7- Si Anas ibn Malik (Sumakanya nawa ang kaluguran ng
Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Ang Sugo ng Allah ()
ay nagsabi: “Ang bulaang (Kristo) ay bulag ang mata,
nakasulat sa pagitan ng kanyang mga mata ang katagang
“KAFIR” pagkatapos ay inispelin niya ito ng: K, P, R,

Mga Piling Hadith
26
nababasa ito ng bawat Muslim”]. Muslim [Hadith bilang:
103–(2933)], Al-Bukhari [Hadith bilang: (7408)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-3 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Nararapat na paniwalaan ang pagdating ng bulaang
Kristo bago ang pagsapit ng Oras (ng paggunaw sa
mundo), at na siya ay mapapatay ni Isa o Hesus
(Sumakanya nawa ang kapayapaan) sa bansang Syria,
malapit sa Damascus sa may pintuang tinatawag na Ludd
sa dakong silangan na malapit sa lunsod ng Tal Abeeb.
2. Kabilang sa mga palatandaan ng bulaang (Kristo) ay ang
pagkaroon ng kapintasan ng dalawa niyang mga mata,
ang nasa kanan ay bulag at ang nasa kaliwa ay bulag din,
datapuwa’t ang isa rito ay burang bura na at walang wala
na talaga, dahilan sa natatakpan na ng balat, nakasulat sa
pagitan ng dalawang mata niya ang “KAFIR”, kaya ang
harapan ng mukha niya ay napakasagwa at napakapangit,
samakatuwid iisang mata lamang ang mayroon sa bulaang
(Kristo) at mayroon pa itong kapintasan dahilan sa
nakalabas ito sa butas nito, sa gayon walang mata ang
bulaang (Kristo) kundi iisa lamang at napakapangit pa,

Mga Piling Hadith
27
kaya sa pamamagitan nito lamang siya nakakakita at
tumitingin.
3. Ang nakasulat sa noo ng bulaang (Kristo) ay totoong
sulat, ginawa ito ng Allah bilang tanda at palatandaan
mula sa kabuuan ng mga palatandaang nagpapatotoo sa
kawalan niya ng pananampalataya, kasinungalingan at
kawalan ng kabuluhan, at ito ay ilalantad ng Allah sa
bawa’t Muslim na manunulat at hindi manunulat.

KAASALAN SA PAGPAPA-INOM NG TAO
8- عَنْ أَبيْ قَتَادَةَ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ، عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ،
قَالَ: "سَاقِيُ الْقَوْمِ آخِرُهُمْ شُرْبًا".
(جامع الترمذي، رقم الحديث 1894، واللفظ له، وصحيح مسلم،
جزء من رقم الحديث 311 - (681)، وقال الإمام الترمذي عن
هذا الحديث بأنه: حسن صحيح، وصححه الألباني).
8- Si Abu Qatadah (Sumakanya nawa ang kaluguran
ng Allah) ay nag-ulat: [Na ang Propeta () ay nagsabi:
“Ang nagpapainom sa mga tao ang siyang pinakahuli
sa kanila ng pag-inom”]. At-Tirmidhi [Hadith bilang:
(1894)], Muslim [Hadith bilang: 311-(681)].

Mga Piling Hadith
28
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Qatadah ibn Rabe`i Al-Ansari, isa sa mga
kagalang-galang na Sahabi (Kasamahan ng Propeta),
siya ay nakibaka sa labanan sa Uhud, at sa iba pang
mga digmaan at labanan, lagi niyang binabantayan
ang Propeta () at inaalagaan sa paglalakbay.
Ipinadala siya ni Umar ibn Al-Khattab bilang pinuno
ng hukbong sandatahan para puksain ang mga Persia,
kaya siya mismo ang nakapaslang sa Hari nila sa sarili
niyang mga kamay. Datapuwat nagkakaiba ang mga
ulat tungkol sa lugar at petsa ng kanyang kamatayan,
may nagsasabing namatay siya sa Kufa (Iraq) taong
ika-38 sa Hijri, at si Ali ibn Abu Thalib ang
nakapagsagawa sa kanya ng Salaatul Janazah (dasal
para sa patay), datapuwa't mayroong nagsasabi na
siya ay namatay sa Madinah taong ika-54 sa Hijri, at
mayroon ding nagsasabi na taliwas dito.