KABUTIHAN NG PAGTULONG SA MGA DUKHA

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 1

添加到收藏 : 0

18- عَنْ مُصْعَبِ بْنِ سَعْدٍ رَحِمهُ الله قَالَ: رَأَى سَعْدٌ رَضِيَ اللَّهُ
عَنْهُ أَنَّ لَهُ فَضْلاً عَلَى مَنْ دُونَهُ؛ فَقَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
"هَلْ تُنْصَرُوْنَ وَتُرْزَقُوْنَ إِلاَّ بِضُعَفَائِكُمْ".
(صحيح البخاري، رقم الحديث 2896).
18- Si Mus`ab ibn Saad (Sumakanya nawa ang habag
ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Nakikita ni
Saad (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) na
siya ay may angking kahigtan sa ibang tao bukod sa
kanya. Kaya ang Propeta () ay nagsabi: “Makakamit
ba ninyo ang tagumpay at ang mga biyayang
ipinagkakaloob sa inyo kung hindi dahil sa mga
mahihina at mahihirap sa inyo?”]. Al-Bukhari [Hadith
bilang: (2896)].

Mga Piling Hadith
54
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Si Mus`ab ibn Saad ay isang Taabi` (Sumakanya nawa
ang habag ng Allah), siya si Mus`ab ibn Saad ibn Abi
Waqqas Az-Zihri, siya ay nanirahan sa Kufa at dito na
rin siya binawian ng buhay taong ika-103 sa Hijri.
Ang nag-ulat ay nabanggit na sa ika-5 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ipinag-uutos ng Islam ang saligang simulain ng
pagkakaugnay sa pagitan ng lahat ng meyembro ng
sambayanang Muslim ng may kasamang paggalang sa
isa’t isa sa kanila.
2. Ang Islam ay nag-aanyaya tungo sa pangangalaga
sa mahihirap, maging mabait at mapag-unawa sa
kanilang mga kalagayan.
3. Itinuturo ng Hadith na ito na ang pagkakadaig sa
mga kaaway at ang paglago ng kayamanan ng
mayayaman ay sa pamamagitan ng biyaya ng mga
mahihirap, kaya gawing mahusay ang
pagmamagandang loob sa kanila, huwag maging

Mga Piling Hadith
55
mapagmalaki sa kanila at iwasan ang panghahamak
sa kanila.