ILAN SA MGA KATANGIAN NG PARAISO

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 2

添加到收藏 : 0

28- عَنْ أَبيْ مُوْسَى الْأَشْعَرِيِّ عَبْدِ اللهِ بْنِ قَيْسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُ،
أَنَّ رَسُوْلَ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، قَالَ: "إِنَّ فِي الْجَنَّةِ خَيْمَةً مِنْ
لُؤْلُؤَةٍ مُجَوَّفَةٍ، عَرْضُهَا سِتُّونَ مِيْلاً، فِيْ كُلِّ زَاوِيَةٍ مِنْهَا أَهْلٌ، مَا
يَرَوْنَ الْآخَرِيْنَ، يَطُوْفُ عَلَيْهِمُ الْمُؤْمِنُ".
(صحيح مسلم، رقم الحديث 24 - (2838)، واللفظ له،
وصحيح البخاري، رقم الحديث 4879).
28- Si Abu Musa Al-Ash`ari, Abdullah ibn Qais
(Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-
ulat: [Na ang Sugo ng Allah () ay nagsabi:
“Katotohanang mayroon sa Paraiso na isang tolda na
yari sa perlas at may mga butas, ang lapad nito ay
may animnapung milya, sa bawa’t sulok nito ay may
nakalaan na pamilya (o asawa), hindi sila nagkikita sa
isa’t isa, sa kanila ay pumapalibot ang isang
mananampalataya”]. Muslim [Hadith bilang: 24-
(2838)], Al-Bukhari [Hadith bilang: (4879)].

Ang nag-ulat ng Hadith na ito:

Mga Piling Hadith
80
Siya si Abu Musa, Abdullah ibn Qais ibn Salim Al-
Ash`ari Al-Yamani, sa pagdating niya sa Makkah ay
agad niyang niyakap ang Islam at pagkatapos ay
bumalik din siya sa Yemen, at pagkatapos ay
nagtungo naman siya sa Ethiopia, at siya ay dumating
sa Madinah pagkatapos na ng pagsakop sa Khaybar,
lumahok din siya sa pakikibaka sa Jihad at sa iba pang
mga labanan, siya ang may pinakamagandang boses
sa pagbasa ng Qur'an sa mga Sahabah, masipag sa
pagsasagawa ng Ibadah, may malawak na kaalaman,
dalubhasa sa batas, at tuwirang umiiwas sa
karangyaan ng buhay. Siya ay namatay sa Kufa o sa
Madinah taong ika-44 sa Hijri, datapuwa’t may
nagsasabing hindi ito ang taon ng kanyang
pagkamatay.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Isinasabatas ng Hadith na ito ang pagka-ubligado
ng paniniwala sa Paraiso at sa mga karangyaan nito.
2. Ang Paraiso sa kabilang buhay ay tahanan ng
karangyaan at buhay na walang hanggan na siyang

Mga Piling Hadith
81
inihanda ng Allah sa Kanyang mga alipin na
tumatalima sa Kanya, sa katunayan ito ang kanilang
tahanan sa kabilang buhay, dito ay mayroong mga
ilog, mga prutas at bungang kahoy, at napakarami ng
mga punongkahoy, mayroon ding mga pagkain dito,
inumin at lahat ng kinahuhumalingan ng mga puso na
nagdudulot ng ganap na kaginhawaan at kaligayahan,
bagkus wala nang kapaguran ang mararanasan dito,
ni karamdaman at kahirapan.
3. Ang paniniwala sa Allah at ang paggawa ng
matuwid ayon sa wastong mga katuruan ng Islam ay
kabilang sa mga kadahilanan ng pagpasok sa Paraiso,
kaya marapat lamang sa isang Muslim na sumunod sa
Allah at sa Kanyang Sugo () ayon sa pamamaraan ng
mga butihing sinaunang ninuno upang makamit ang
kaluguran ng Allah at makapasok sa Paraiso bilang
habag at kabutihan ng Allah.