- عَنْ عَبْدِ اللهِ بْنِ عَمْرٍو رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا، قَالَ: قِيْلَ لِرَسُوْلِ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: أَيُّ النَّاسِ أَفْضَلُ؟ قَالَ: "كُلُّ مَخْمُوْمِ الْقَلْبِ صَدُوْقِ اللِّسَانِ"، قَالُوْا: صَدُوْقُ اللِّسَانِ نَعْرِفُهُ، فَمَا مَخْمُوْمُ الْقَلْبِ؟ قَالَ: " هُوَ التَّقِيُّ النَّقِيُّ، لاَ إِثمَ فِيْهِ، وَلاَ بَغْيَ، وَلاَ غِلَّ، وَلاَ حَسَدَ".
(سنن ابن ماجه، رقم الحديث 4216، وصححه الألباني).
37- Si Abdullah ibn Am'r (Sumakanila nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [May isang nagtanong sa Sugo ng Allah (): Sino po ang pinakamainam sa mga tao? Siya ay nagsabi: “Lahat ng busilak ang puso at makatotohanan ang dila”. Kanilang sinabi: Batid namin ang makatotohanang dila, subali’t ano naman po ang busilak ang puso? Muli siya ay nagsabi: “Siya yaong may banal na takot na tigib ng kadalisayan, walang bahid na kasalanan at walang kasamaan, walang paninibugho at walang inggit”]. Ibnu Majah [Hadith bilang: (4216)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abdullah ibn Am'r ibnul `As Al-Qurashi, As-sahami, isang dakila at kilalang Sahabi (Kasamahan ng Propeta ), nauna niyang niyakap ang Islam bago ang kanyang ama na si Am'r ibnul `As, mayroon siyang naitala sa mga aklat ng Sunnah na (700) Hadith, at mayroon din siyang nasalihan na ilang digmaan kasama ng Sugo ng Allah (), bagkus mayroon din siyang katanyagan sa pamamalakad ng istado, pangangasiwa ng negosyo, kung kaya’t hinirang siya ni Mu`awiyah sa lungsod ng Kufa bilang isang tagapamahala nito.
Siya ay lagi nang nagsasalaysay patungkol sa Sugo ng Allah () at nagbibigay din ng Fatwa (pansariling pasya) sa Jaami` Al-Fustat (ang tinaguriang Masjid ni Am'r ibnul `As) sa Ehipto, at nakakuha mula sa kanya ng mga kaalaman ang maraming tao na nagmula sa Ehipto, Syria at Hijaz (gitnang silangan), siya ay binawian ng buhay (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) sa Ehipto taong ika-65 sa Hijri, at siya ay nailibing sa kanyang mismong tahanan, datapuwa’t may nakapagsabing binawian siya ng buhay sa Syria o sa Makkah.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Hadith na ito ay nagpapaliwanag tungkol sa mga kadahilanan ng pagiging dalisay ng puso at katiwasayan nito; at ito ay ang pagkakaroon ng takot sa Allah, pagiging makatotohanan at pagtalikod sa mga kasalanan, gayundin ang pag-iwas sa kawalan ng katarungan, sa paglabag ng batas, sa paninibugho at inggit.
2. Ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng takot sa Allah ay ang pagsunod sa Allah ng may kasamang takot, pagmamahal at pagdakila sa Kanya, gayundin ang pagpapahalaga sa Kanya at pag-iwas sa pagsuway sa Kanya.
3. Ang wastong pananampalataya ang umaakay sa tao tungo sa kapuri-puring mga katangian, marangal na mga gawain at makatuwirang mga salita upang siya ang maging pinakamainam sa mga tao.