وْءَ، وَلَمْ يُعِدِ الآخَرُ، ثُمَّ أتَيَا رَسُوْلَ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ؛ فَذَكَرَا ذَلِكَ لَـهُ؛ فَقَالَ لِلَّذِيْ لَمْ يُعِدْ: "أصَبْتَ السُّنَّةَ وَأَجْزأَتْكَ صَلاَتُكَ"، وقَالَ لِلآخَرِ: "لَكَ الأجْرُ مَرَّتَيْنِ".
(سنن أبي داود، رقم الحديث 338، واللفظ له، وسنن النسائي، رقم الحديث 433، وصححه الألباني).
43- Si Abu Sa`ed Al-Khudri (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat, kanyang sinabi: [Humayo ang dalawang lalaki sa isang paglalakbay, datapuwa’t nang sumapit ang oras ng Salah, wala silang mahanap na tubig, kaya’t sila ay kapwang nagsagawa ng Tayammum (bilang kapalit ng Wudu’) mula sa malinis na lupa at nagsagawa na rin sila ng Salah, nguni’t di-nagtagal ay ay nakatagpo sila ng tubig sa oras ding iyon, kaya inulit ng isa sa kanila ang Salah at Wudu’, samantalang ang isa naman ay hindi na inulit, at nang dumating sila sa Sugo ng Allah (), agad nilang binaggit sa kanya ang pangyayaring iyon. Siya (ang Sugo) ay nagsabi sa hindi umulit: “Sumang-ayon ka sa Sunnah at tanggap ang iyong Salah, at ang sinabi naman niya sa pangalawa: Sasaiyo ang dalawang gantimpala”]. Abu Daud [Hadith bilang: (338)], An-Nasai [Hadith bilang: (433)].
Ang nag-ulat ng Hadith na ito:
Siya si Abu Saed Al-Khudri, Saad ibn Malik ibn Sinan Al-Ansari Al-Khajrazi, isa sa mga kilalang Sahabi at isa rin sa kanilang mga pantas, ang unang nasaksihan niya na digmaan ay ang digmaan sa Khandaq, at pagkatapos ay sumunod ang (12) digmaan kasama ang Sugo ng Allah (), at siya ay naitala sa mga aklat ng Sunnah na nakapag-ulat ng (1170) na Hadith.
Si Abu Saed Al-khudri (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay binawian ng buhay sa Madinah taong ika-74 sa Hijri, sa edad niyang (86) na taon, datapuwa’t may nakapagsabi na kasalungat nito, at siya ay nailibing sa Baqi'.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Ang Islam ay relihiyon ng kapatawaran at kaligayahan, kaya’t wala anumang pagpapahirap dito, dahil kapag nagkaroon ng pangangailangan ay agad magsasabatas ang Allah ng pagpapahintulot para mapadali ang mga gawaing pagsamba, kaya malayang maisasagawa ito ng isang Muslim ng maluwag sa kalooban.
2. Itinuturo ng Hadith na ito na ang sinumang hindi nakatagpo ng tubig sa unang pagkakataon ay marapat nang magsagawa ng Tayammum sa pamamagitan ng malinis na lupa at magsagawa ng Salah, at hindi na niya kailangan pang isagawa ulit ang Salah sa sandaling iyon kahit pa siya ay nakatagpo ng tubig pagkatapos niyang maisagawa ang Salah. Subali't, kapag nagkaroon ng tubig habang kasalukuyang niyang isinasagawa ang Salah, sa gayon ay dapat niyang itigil ito, at magsagawa siya ng panibagong Wudu’ sa pamamagitan ng tubig at magsagawa na rin siya ulit ng Salah dahilan sa pagkaroon ng tubig, ito ay batay sa pangkalahatang kahulugan ng sinabi ng Allah: {At (kung) wala kayong matagpuan na tubig, sa gayon ay marapat kayong magsagawa ng Tayammum sa pamamagitan ng malinis na lupa}. Al-Maidah (5): 6.