Ang Ikalawang Batayan ay ang pagkakaalam sa relihiyon ng Islām ayon sa mga patunay.
Ito ang ay pagsuko kay Allāh sa pamamagitan ng Tawḥīd, ang pagpapaakay sa Kanya sa pamamagitan ng pagtalima, at ang pagwawaksi sa Shirk. Ito ay tatlong antas:
Ang Islām (Pagpapasakop), ang Īmān (Pananampalataya), at ang Iḥsān (Pagpapakahusay). Ang bawat antas ay mayroong mga haligi.
Ang Unang Antas ay Ang Islām (Pagpapasakop).
Ang mga haligi ng Islām ay lima: ang pagsaksi na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, ang pagpapanatili ng pagdarasal, ang pagbibigay ng zakāh, ang pag-aayuno sa Ramaḍān, at ang [pagsasagawa ng] ḥajj sa Pinakababanal na Bahay ni Allāh [sa Makkah].
Ang patunay sa pagsaksi ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{شَهِدَ ٱللَّهُ أَنَّهُۥ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ وَٱلْمَلَـٰٓئِكَةُ وَأُو۟لُوا۟ ٱلْعِلْمِ قَآئِمًۢا بِٱلْقِسْطِ ۚ لَآ إِلَـٰهَ إِلَّا هُوَ ٱلْعَزِيزُٱلْحَكِيمُ ١٨}
{Sumaksi si Allāh na walang Diyos kundi Siya, ang mga anghel, at ang mga may kaalaman, habang nagpapanatili sa pagkamakatarungan. Walang Diyos kundi Siya, ang Makapangyarihan, ang Marunong.}Qur'ān 3:18. Ang kahulugan nito ay walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh – tanging Siya. Ang "walang Diyos" ay nagkakaila sa lahat ng sinasamba bukod pa kay Allāh at ang "kundi si Allāh" ay ang nagpapatibay sa pagsamba para kay Allāh – tanging Siya: wala katambal para sa Kanya sa pagsamba sa Kanya kung paanong Siya ay walang katambal sa paghahari Niya. Ang pagpapakahulugan dito na nagpapaliwanag dito ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{وَإِذْ قَالَ إِبْرَٰهِيمُ لِأَبِيهِ وَقَوْمِهِۦٓ إِنَّنِى بَرَآءٌۭ مِّمَّا تَعْبُدُونَ ٢٦ إِلَّا ٱلَّذِى فَطَرَنِى فَإِنَّهُۥ سَيَهْدِينِ ٢٧ وَجَعَلَهَا كَلِمَةًۢ بَاقِيَةًۭ فِى عَقِبِهِۦ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ ٢٨}
{26. [Banggitin] noong nagsabi si Abraham sa ama niya at mga kababayan niya: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa anumang sinasamba ninyo, 27. maliban sa lumalang sa akin sapagkat tunay na Siya ay magpapatnubay sa akin." 28. Gumawa siya rito bilang pangungusap na mananatili sa mga inapo niya nang sa gayon sila ay babalik.}(Qur'ān 43:26-28)
Ang sabi pa Niya (napakataas Siya):
{قُلْ يَـٰٓأَهْلَ ٱلْكِتَـٰبِ تَعَالَوْا۟ إِلَىٰ كَلِمَةٍۢ سَوَآءٍۭ بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمْ أَلَّا نَعْبُدَ إِلَّا ٱللَّهَ وَلَا نُشْرِكَ بِهِۦ شَيْـًۭٔا وَلَا يَتَّخِذَ بَعْضُنَا بَعْضًا أَرْبَابًۭا مِّن دُونِ ٱللَّهِ ۚ فَإِن تَوَلَّوْا۟ فَقُولُوا۟ ٱشْهَدُوا۟ بِأَنَّا مُسْلِمُونَ ٦٤}
{Sabihin mo: "O mga May Kasulatan, halikayo sa isang salitang magkatulad sa pagitan namin at ninyo: na hindi tayo sasamba kundi kay Allāh, hindi tayo magtatambal sa Kanya ng anuman, at hindi gagawa ang iba sa atin sa iba bilang mga panginoon bukod pa kay Allāh." Ngunit kung tumalikod sila ay sabihin ninyo: "Sumaksi kayo na kami ay mga Muslim."}(Qur'ān 3:64)
Ang patunay ng pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{قُلْ يَـٰٓأَهْلَ ٱلْكِتَـٰبِ تَعَالَوْا۟ إِلَىٰ كَلِمَةٍۢ سَوَآءٍۭ بَيْنَنَا وَبَيْنَكُمْ أَلَّا نَعْبُدَ إِلَّا ٱللَّهَ وَلَا نُشْرِكَ بِهِۦ شَيْـًۭٔا وَلَا يَتَّخِذَ بَعْضُنَا بَعْضًا أَرْبَابًۭا مِّن دُونِ ٱللَّهِ ۚ فَإِن تَوَلَّوْا۟ فَقُولُوا۟ ٱشْهَدُوا۟ بِأَنَّا مُسْلِمُونَ ٦٤}
{Talaga ngang may dumating sa inyo na isang Sugo kabilang sa mga sarili ninyo, na mabigat sa kanya ang anumang ininda ninyo, na masigasig sa inyo, na sa mga mananampalataya ay mahabaging maawain.}(Qur'ān 9:128) Ang kahulugan ng pagsaksi na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh ay ang pagtalima sa kanya sa anumang ipinag-utos niya, ang paniniwala sa kanya sa anumang ipinabatid niya, ang pag-iwas sa anumang sinaway niya at sinawata niya, at na hindi sambahin si Allāh malibang ayon sa isinabatas niya.
Ang patunay sa pagdarasal (ṣalāh) at [pagbibigay ng] zakāh at ang pagpapakahulugan sa Tawḥīd ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{وَمَآ أُمِرُوٓا۟ إِلَّا لِيَعْبُدُوا۟ ٱللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ ٱلدِّينَ حُنَفَآءَ وَيُقِيمُوا۟ ٱلصَّلَوٰةَ وَيُؤْتُوا۟ ٱلزَّكَوٰةَ ۚ وَذَٰلِكَ دِينُ ٱلْقَيِّمَةِ ٥}
{Hindi sila inuutusan kundi upang sumamba sila kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa relihiyon bilang mga makatotoo, magpanatili sila ng dasal, at magbigay sila ng zakāh. Iyon ay ang relihiyon ng pagkamatuwid.}(Qur'ān 98:5)
Ang patunay sa pag-aayuno ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{يَـٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوا۟ كُتِبَ عَلَيْكُمُ ٱلصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى ٱلَّذِينَ مِن قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ ١٨٣}
{O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay mangingilag magkasala.}(Qur'ān 2:183)
Ang patunay sa ḥajj ay ang sabi Niya (napakataas Siya):
{ فِيهِ ءَايَـٰتٌۢ بَيِّنَـٰتٌۭ مَّقَامُ إِبْرَٰهِيمَ ۖ وَمَن دَخَلَهُۥ كَانَ ءَامِنًۭا ۗ وَلِلَّهِ عَلَى ٱلنَّاسِ حِجُّ ٱلْبَيْتِ مَنِ ٱسْتَطَاعَ إِلَيْهِ سَبِيلًۭا ۚ وَمَن كَفَرَ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَنِىٌّ عَنِ ٱلْعَـٰلَمِينَ ٩٧}
{Sa kay Allāh tungkulin ng mga tao ang pagsagawa ng ḥajj sa Bahay: ng sinumang nakayang [magkaroon] patungo roon ng isang landas. Ang sinumang tumangging sumasampalataya, tunay na si Allāh ay Walang-pangangailangan sa mga nilalalang.}(Qur'ān 3:97)