Ang Simula ng Pagkasi

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 2

添加到收藏 : 0

Ang Sugong si Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa isang dakilang kaasalan magmula ng nilikha siya ni Allāh. Ang mga kababayan niya noon ay tumatawag sa kanya bilang Aṣ-Ṣādiq (ang Tapat) at Al-Amīn (ang Mapagkakatiwalaan). Siya noon ay lumalahok sa kanila sa mga gawaing kapita-pitagan. Nasusuklam siya sa anumang gawain nila na mga nauukol sa Paganismo at hindi siya nakikilahok sa kanila sa mga ito.
Noong umabot siya sa edad na apatnapu, habang siya ay nasa Makkah, pinili siya ni Allāh upang maging isang sugo, saka naghatid sa kanya si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) ng panimula ng unang kabanata na bumaba mula sa Qur'ān. Ito ay ang sabi ni Allāh (napakataas Siya): 
(اقْرَأْ بِاسْمِ رَبِّكَ الَّذِي خَلَقَ (1) خَلَقَ الْإِنسَانَ مِنْ عَلَقٍ (2) اقْرَأْ وَرَبُّكَ الْأَكْرَمُ (3) الَّذِي عَلَّمَ بِالْقَلَمِ (4) عَلَّمَ الْإِنسَانَ مَا لَمْ يَعْلَمْ (5)).
{1. Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha, 2. lumikha sa tao mula sa isang malal
inta. 3. Bumasa ka samantalang ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay, 4. na nagturo sa pamamagitan ng panulat, 5. nagturo sa tao ng hindi nito nalaman.} (Qur'ān 96:1-5) 
Kaya pumunta siya sa maybahay niyang si Khadījah (malugod si Allāh sa kanya) habang kumakabog ang puso niya at nagkuwento rito ng nangyari. Pinanatag naman siya nito at inihatid siya nito sa pinsan nitong si Waraqah bin Nawfal, na nagkristiyano noon pa at nakabasa ng Torah at Ebanghelyo. Nagsabi si Khadījah kay Waraqah: "O pinsan, makinig ka sa pamangkin mo." Kaya nagsabi sa kanya si Waraqah: "O pamangkin ko, ano ang nakikita mo?" Nagpabatid naman sa kanya ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng tungkol sa nakita niya, kaya nagsabi sa kanya si Waraqah: "Ito ang Arkanghel na pinababa ni Allāh kay Moises. O kung sana ako roon ay bata pa! O kung sana ako ay magiging buhay pa kapag magpapalisan sa iyo ang mga kababayan mo." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "At magpapalisan ba sila sa akin?" Nagsabi ito: "Oo. Hindi nagdala ang isang tao kailanman ng tulad sa inihatid mo malibang inaway siya. Kung aabot sa akin ang araw mo, mag-aadya ako sa iyo ng isang pag-aadyang sinuhayan."
Sa Makkah, nagsunuran ang pagbaba ng Qur'ān sa kanya. Bumababa kasama nito si Anghel Gabriel (sumakanya ang pangangalaga) mula sa Panginoon ng mga nilalang gaya ng pagdadala nito sa kanya ng mga pagdedetalye ng mensahe.
Nanatili siyang nag-aanyaya sa mga kababayan niya tungo sa Islām. Kumalaban sa kanya ang mga kababayan niya at nakipag-alitan sila sa kanya. Nag-alok sila sa kanya ng yaman at paghahari kapalit ng pag-iwan niya ng mensahe. Tumanggi siya sa lahat ng iyon. Nagsabi sila sa kanya, gaya ng sinabi ng konseho sa mga sugo bago pa niya, na siya ay manggagaway, na palasinungaling, na tagagawa-gawa. Nanggipit sila sa kanya. Nanakit sila sa marangal na katawan niya. Nagmalupit sila ng mga tagasunod niya. Nanatili ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Makkah na nag-aanyaya tungo kay Allāh. Nagsasadya siya sa panahon ng Hajj at mga pana-panahon na palengke ng mga Arabe para makipagkita sa mga iyon sa mga tao at mag-alok sa kanila ng Islām. Hindi siya napaibig sa kamunduhan ni sa pamumuno. Hindi siya nasindak sa tabak. Hindi siya nagkaroon ng awtoridad ni ng paghahari. Nagpahayag siya ng hamon sa kauna-unahan sa pag-aanyaya niya na maglahad sila ng tulad sa dinala niya mula sa Dakilang Qur'ān. Nanatili siyang naghahamon sa pamamagitan nito sa mga kaalitan niya. Sumampalataya naman sa kanya ang mga sumampalataya kabilang sa mga marangal na Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila nang lahatan). Sa Makkah, nagparangal sa kanya si Allāh ng dakilang himala, ang pagpapalakbay sa gabi patungo sa Jerusalem, pagkatapos ang pagpapanhik sa kanya sa langit. Alam natin na si Allāh ay nag-angat sa langit kay Propeta Elias at kay Kristo (sumakanilang dalawa ang pangangalaga) gaya ng nabanggit sa ganang mga Muslim at mga Kristiyano. Nakatanggap ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa langit mula kay Allāh ng utos ng pagdarasal. Ito ay ang pagdarasal na dinarasal ng mga Muslim sa ngayon nang limang beses sa isang araw. Sa Makkah Mukarramah, din, nangyari ang isa pang dakilang himala: ang pagkabiyak ng buwan hanggang sa nakita iyon ng mga tagapagtambal.
Gumamit ang mga tagatangging sumampalataya ng liping Quraysh ng bawat kaparaanan para sa pagbalakid sa kanya bilang pagsisikhay sa panlalansi sa kanya at pagpapalayo ng loob sa kanya. Nanligalig sila sa paghiling ng mga himala. Nagpatulong sila sa mga Hudyo upang umayuda sa kanila ng mga katwirang tutulong sa kanila sa pakikipagtalo sa kanya at pagbalakid sa mga tao sa kanya.
Noong nagpatuloy ang pagmamalupit ng mga tagatangging sumampalataya ng liping Quraysh sa mga mananampalataya, nagpahintulot sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na lumikas sa Etyopya. Nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na doon ay may isang haring makatarungan na walang nalalabag sa katarungan sa piling niya na isa man." Iyon noon ay isang haring Kristiyano. Kaya may lumikas sa Etyopya kabilang sa kanila na dalawang pangkat. Noong nakarating ang mga lumikas sa Etyopya, inalok nila kay Haring Najāshīy ang Relihiyon na inihatid ni Propeta Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi iyon: "Ito, sumpa man kay Allāh, at ang inihatid ni Moises (sumakanya ang pangangalaga) ay talagang lumalabas mula sa nag-iisang ilaw." Nagsunuran naman ang pananakit ng mga kababayan niya sa kanya at sa mga Kasamahan niya.
Kabilang noon sa mga sumampalataya sa kanya sa panahon [ng Hajj] ang isang pangkat mula sa mga dumating mula sa Madīnah. Nangako sila ng katapatan sa kanya sa Islām at sa pag-aadya kapag lumipat siya sa lungsod nila, na tinatawag noon na Yathrib. Nagpahintulot siya sa mga natira sa mga Muslim sa Makkah na lumikas sa Madīnah Nabawīyah. Kaya naman lumikas sila at lumaganap ang Islām sa Madīnah hanggang sa wala nang bahay roon malibang pinasok ng Islām.
Matapos na gumugol ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Makkah ng labintatlong taon na nag-aanyaya tungo kay Allāh, nagpahintulot si Allāh sa kanya sa paglikas sa Madīnah Nabawīyah. Lumikas siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagpatuloy Siya sa pag-aanyaya tungo kay Allāh. Nagsunuran doon ang pagbabaan ng mga batas ng Islām nang unti-unti. Nagsimula siyang magsugo ng mga sugo niya at taglay nila ang mga mensahe sa mga pangulo ng mga lipi at mga hari, na nag-aanyaya sa kanila tungo sa Islām. Kabilang noon sa pinasuguan niya ang hari ng Bizancio, ang hari ng Persiya, at ang hari ng Ehipto.
Sa Madīnah naganap ang pangyayari ng eklipse ng araw kaya nanghilakbot ang mga tao at natapat naman iyon sa araw ng pagpanaw ni Ibrāhīm na anak ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi ang mga tao na nag-eklipse ang araw dahil sa pagkamatay ni Ibrāhīm. Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang araw at ang buwan ay hindi nag-eeklipse dahil sa kamatayan ng isa man ni dahil sa buhay nito, subalit ang dalawang ito ay kabilang sa mga tanda ni Allāh. Nagpapangamba si Allāh sa pamamagitan ng dalawang ito sa mga lingkod Niya."Kaya kung sakaling ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay isang palasinungaling na mapagpanggap, talagang nagdali-dali sana siya sa pagpapangamba sa mga tao mula sa pagpapasinungaling niya at nagsabi: "Tunay na ang araw ay nag-eklipse dahil sa pagkamatay ng anak ko kaya papaano na ang sinumang nagpapasinungaling sa akin?"
Ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay pinarikit ng Panginoon niya sa pamamagitan ng kalubusan ng mga kaasalan. Naglarawan sa kanya si Allāh sa pamamagitan ng pagsabi: 
(وَإِنَّكَ لَعَلَى خُلُقٍ عَظِيمٍ)
{Tunay na ikaw ay talagang nasa isang kaasalang dakila.} (Qur'ān 68:4) 
Siya noon ay naisalalarawan sa bawat kaasalang maganda gaya ng katapatan; pagpapakawagas; katapangan; katarungan; pagtupad sa usapan pati na sa mga kaalitan; pagkamapagbigay yayamang naiibigan niya ang pagkakawanggawa sa mga maralita, mga dukha, mga balo, at mga nangangailangan; kasigasigan sa kapatnubayan nila; pagkaawa sa kanila; at pagpapakumbaba sa kanila hanggang sa nangyaring may lalaking estranghero na dumarating na naghahanap sa Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagtatanong ito tungkol sa kanya sa mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanya) samantalang siya ay nasa kanila ngunit hindi ito nakakikilala sa kanya kaya nagsabi ito: "Alin sa inyo si Muḥammad?"
Ang talambuhay niya ay huwaran sa kalubusan at karangalan sa pakikitunguhan niya sa lahat: sa kaaway at kaibigan, kaanak at di-kaanak, matanda at bata, lalaki at babae, at hayop at ibon.
Noong nalubos ni Allāh para sa Sugo ang relihiyon at naipaabot ng Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang mensahe nang sukdulang pagpapaabot, pinapanaw siya sa edad niyang animnapu't tatlong taon, na kabilang dito ang apatnapung taon bago ng pagkapropeta at dalawampu't tatlong taon bilang isang propeta at isang sugo. Inilibing siya sa Madīnah Nabawīyah (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Hindi siya nag-iwan ng ari-arian at pamana maliban sa puting mola niya na sinasakyan niya at isang lupaing itinalaga niya sa mga kinapos sa daan bilang kawanggawa.
Ang bilang ng mga yumakap sa Islām, naniwala sa kanya, at sumunod sa kanya ay isang malaking kinapal. Nagsagawa ng Hajj kasama sa kanya kabilang sa mga Kasamahan niya sa Hajj ng pamamaalam ang higit sa isandaang libo. Ito ay humigit-kumulang tatlong buwan bago ng kamatayan niya. Marahil ito ay kabilang sa mga lihim ng pagkaingat ng Relihiyon niya at paglaganap nito. Ang mga Kasamahan niya na inaruga niya sa mga pinahahalagahan ng Islām at mga prinsipyo nito ay talaga ngang kabilang sa pinakamabuti sa mga kasamahan sa katarungan, sa kawalang-kamunduhan, pagkamakadiyos, pagtupad, at pagkakaloob sa dakilang Relihiyong ito na sinampalatayanan nila.
Ang pinakadakila sa mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila nang lahatan) sa pananampalataya, sa kaalaman, sa pagpapakawagas, sa paniniwala, sa pagkakaloob, sa katapangan, at sa pagkamapagbigay ay sina Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq, `Umar bin Al-Khaṭṭāb, `Uthmān bin `Affān, at `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanila). Sila ay kabilang sa mga kauna-unahan sa mga sumampalataya sa kanya at naniniwala sa kanya. Sila noon ay ang mga khalīfah matapos niya, na mga bumuhat ng watawat ng Relihiyon matapos niya. Hindi sila nagkaroon ng anuman sa mga kakanyahan ng pagkapropeta. Hindi siya nagtangi sa kanila ng anuman na wala sa natitira sa mga Kasamahan niya – malugod si Allāh sa kanila.
Nag-ingat si Allāh sa Aklat Niya na inihatid ng Propeta, Sunnah nito, talambuhay nito, at mga sabi nito at mga gawa nito sa wika nito na sinalita nito. Walang iningatang isang talambuhay sa hinaba-haba ng kasaysayan gaya ng pag-iingat sa talambuhay ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan); bagkus naingatan dito kung papaano siya noon natutulog, kumakain, umiinom, at tumatawa. Papaano siyang nakikitunguhan sa mag-anak niya sa loob ng bahay niya? Ang lahat ng mga kalagayan niya ay naingatang nakatala sa talambuhay niya. Siya ay isang mortal na sugo na hindi nagtaglay ng mga kakanyahan ng pagkapanginoon na anuman at hindi nagmamay-ari para sa sarili niya ng pakinabang ni pinsala.