Panimula ng Dalawang May-akda

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 2

添加到收藏 : 0

Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. Ang pagpapala at ang pangangalaga ay ukol sa Propeta nating si Muḥammad, ang pinuno ng mga isinugo, at ukol sa mag-anak niya at mga Kasamahan niya sa kalahatan. Sa pagsisimula,
Ito ay isang maiksing akda hinggil sa kinakailangan sa tao na matutuhan niya at paniwalaan niya na mga usapin ng Tawḥīd, mga Pangunahing Panuntunan ng Relihiyon, at ilan sa mga nauugnay sa mga ito, na hinango mula sa mga aklat ng mga paniniwala ng Apat na Imām:
Sina Imām Abū Ḥanīfah, Imām Mālik, Imām Ash-Shāfi`īy, at Imām Ibnu Ḥanbal, sampu ng mga tagasunod nila, kaawaan sila ni Allāh - pagkataas-taas Niya - at ng mga nagkabukluran sa Paniniwala ng mga Alagad ng Sunnah at Bukluran, at hindi nagkaiba-iba sa mga ito. [Hango ito sa] gaya ng mga aklat na Al-Fiqh al-Akbar (Ang Pinakamalaking Pagkaunawa) ni Abū Ḥanīfah - kaawaan siya ni Allāh - na sumakabilang-buhay noong taong 150 ng Hijrah; Al-`Aqīdah Aṭ-Ṭaḥāwīyah (Ang Paniniwalang Ṭaḥāwinyo) ni Aṭ-Ṭaḥāwīy, na sumakabilang-buhay noong taong 321 ng Hijrah, at ipaliwanag ito ni Abū Al-`Izz Al-Ḥanafīy, na sumakabilang-buhay noong taong 792 ng Hijrah; Muqaddimah Ar-Risālah (Ang Panimula ng Pasugo) ni Ibnu Abī Zayd Al-Qayrawānīy, Al-Mālikīy, na sumakabilang-buhay noong taong 386 ng Hijrah; Uṣūl As-Sunnah (Ang mga Pangunahing Panuntunan ng Sunnah) ni Ibnu Abī Zamanayn Al-Mālikīy, na sumakabilang-buhay noong taong 399 ng Hijrah; At-Tamhīd Sharḥ Al-Muwaṭṭa’ (Ang Pagsisimula: Pagpapaliwanag sa Muwaṭṭa’) ni Ibnu `Abdulbarr Al-Mālikīy, na sumakabilang-buhay noong taong 463 ng Hijrah;
Ar-Risālah fī I`tiqād Ahl Al-Ḥadīth (Ang Pasugo sa Paniniwala ng mga Alagad ng Ḥadīth) ni Aṣ-Ṣābūnīy Ash-Shāfi`īy, na sumakabilang-buhay noong taong 449 ng Hijrah; Sharḥ As-Sunnah (Ang Pagpapaliwanag ng Sunnah) ni Al-Muznīy, estudyante ni Ash-Shāfi`īy, na sumakabilang-buhay noong taong 264 ng Hijrah; Uṣūl As-Sunnah (Ang mga Pangunahing Panuntunan ng Sunnah) ni Imām Aḥmad bin Ḥanbal, na sumakabilang-buhay noong taong 241 ng Hijrah; Kitāb As-Sunnah (Aklat ng Sunnah) ng Anak niyang si `Abdullāh, na sumakabilang-buhay noong taong 290 ng Hijrah; Kitāb As-Sunnah (Aklat ng Sunnah) ni Khallāl Al-Ḥanbalīy, na sumakabilang-buhay noong taong 311 ng Hijrah; Kitāb Al-Bida` wa An-Nahy `anhā (Ang Aklat ng mga Bid`ah at ang Pagsaway sa mga ito) ni Ibnu Waḍḍāḥ Al-Andalusīy, na sumakabilang-buhay noong taong 287 ng Hijrah; Kitāb Al-Ḥawādith wa Al-Bida` (Ang Aklat ng mga Bagong Bagay at mga Bid`ah) ni Abū Bakr Aṭ-Ṭarṭūshīy Al-Mālikīy, na sumakabilang-buhay noong taong 520 ng Hijrah; Kitāb Al-Bā`ith `alā Inkār Al-Bida` wa Al-Ḥawādith (Ang Aklat ng Tagaudyok sa Pagmamasama sa mga Bid`ah at mga Bagong Bagay) ni Abū Shāmmah Al-Maqdisīy Ash-Shāfi`īy, na sumakabilang-buhay noong taong 665 ng Hijrah; at iba pa sa mga ito kabilang sa mga aklat ng mga pangunahing panuntunan at paniniwala na inakdaan ng apat na imām at mga tagasunod nila bilang isang pag-aanyaya sa katotohanan, bilang isang pangangalaga sa Sunnah at `Aqīdah, at bilang isang pagtugon sa mga bid`ah, mga kabulaanan, at mga pamahiin.
Hanggat nananatili ka, kapatid kong Muslim, na sumusunod sa isa sa mga Imām ng mga madhhab na ito, ito ay paniniwala ng imām mo. Kaya kung paano mo siya sinunod sa mga kahatulan, sundin mo siya sa paniniwala.
Isinaayos nga ang akdang ito sa paraang tanong at sagot bilang isang pagpapadali sa pagpaparating ng kaalaman at pagpapatatag nito.
Si Allāh ay hinihilingan nating ituon Niya ang lahat sa pagtanggap ng katotohanan, pagpapakawagas dito, at pagsunod sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.
Pagpalain ni Allāh ang Propeta nating si Muḥammad sampu ng mag-anak niya at mga Kasamahan niya, at pangalagaan siya nang lubos na pangangalaga.