T. Kapag sinabi sa iyo: Hahatol ba sa Muslim ng Kawalang-pananampalataya dahilan sa pagsuway?

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 117

添加到收藏 : 0

S. Sabihin mo: "Hindi hahatol sa Muslim ng kawalang-pananampalataya dahilan sa pagkahumaling niya sa mga pagkakasala at mga pagsuway kahit pa man mga ito ay mga malaking kasalanan hanggat nanatili ang mga ito na hindi kabilang sa mga tagapagpawalang-pananampalataya na ipinahiwatig ng mga tekstong pambatas sa Qur'ān at Sunnah. Nagsabi nito ang mga Kasamahan at ang mga Imān. Nananatili siya sa pananampalataya niya ngunit siya ay nagiging kabilang sa mga sumusuway sa mga alagad ng Tawḥīd hanggat hindi siya nasasadlak sa Malaking Kawalang-pananampalataya o Malaking Shirk o Malaking Pagpapaimbabaw."