Tumutugon ba ang mga patay na mga walīy at iba pa sa kanila sa sinumang nagpapasaklolo sa kanila at humiling ng ayuda mula sa kanila?
S. Sabihin mo: Sila ay hindi tumutugon sa sinumang nanawagan sa kanila at hindi nakakakaya sa pagtugon sa sinumang dumalangin sa kanila o nagpasaklolo sa kanila. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 35:13-14): "samantalang ang mga dinadalanginan ninyo bukod pa sa Kanya ay hindi nagmamay-ari ng kahit isang lamad ng buto ng datiles. Kung dadalangin kayo sa kanila ay hindi sila makaririnig sa panalangin ninyo, at kung sakaling nakarinig sila ay hindi sila tutugon sa inyo. Sa Araw ng Pagbangon ay itatanggi nila ang pagtatambal ninyo [sa kanila kay Allāh]. Walang makapagbabalita sa iyo ng tulad ng isang nakababatid." O kasawian ng sinumang nalinlang ng mga demonyo at mga tagapag-anyaya ng kaligawan sapagkat ipinang-akit nila sa kanya ang pagdalangin sa mga patay at mga nakalibing na mga propeta, mga walīy, at mga ṣāliḥ! Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 46:5): "Sino ang higit na ligaw kaysa sa sinumang dumadalangin sa kabilang sa iba pa kay Allāh, na hindi tumutugon sa kanya hanggang sa Araw ng Pagkabuhay samantalang ang mga ito, sa panalangin sa mga ito, ay mga nalilingat?"