Ano ang hatol sa pamamanata sa iba pa kay Allāh - pagkataas-taas Niya?

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 237

添加到收藏 : 0

S. Sabihin mo: Ito ay bahagi ng Malaking Shirk dahil ang sabi ng Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang namanata na tatalima kay Allāh ay tumalima sa Kanya at ang sinumang namanata na susuway kay Allāh ay huwag sumuway sa Kanya." Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy. Ang panata ay isang pagsambang pampananalita, pangyaman, o pangkatawan alinsunod sa ipinapanata ng namamanata. Ito ay ang pag-oobliga sa sarili ng hindi kinakailangan dito ayon sa batas ng Islām, ngunit bilang isang paghahangad sa pagtamo ng isang hinihiling o pagtulak sa isang kinasisindakan o pasasalamat dahil sa isang biyayang dumapo o sa isang kamalasang lumisan. Ito ay bahagi ng mga pagsambang hindi ipinahihintulot ang pagbaling nito sa iba pa kay Allāh dahil si Allāh ay nagpuri sa mga tumutupad sa mga panata. Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - (Qur'ān 76:7): "Tumutupad sila sa mga panata at nangangamba sila sa isang araw na ang kasamaan nito ay magiging laganap."
Ang panuntunan ay nagsasabi: “Ang bawat gawaing pinapurihan ni Allāh - kapita-pitagan Siya at kataas-taasan - sa gumawa nito, ito ay napaloloob sa pagsamba at anumang isang pagsamba, ang pagbaling nito sa iba pa kay Allāh ay shirk.”