PAGTUSTOS MAY GANTIMPALA

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 60

添加到收藏 : 0

57- Si Saad ibn abi Waqqas (Sumakanya nawa ang kaluguran ng Allah) ay nag-ulat: [Katotohanan! Ang Sugo ng Allah () ay nagsabi: “Katotohanan, wala kang naigugugol na isang panustos na iyong hinahangad dito ang Mukha (o ang kasiyahan) ng Allah kundi ikaw ay gagantimpalaan dito, maging ang mismong isinusubo mo sa bibig ng iyong maybahay”]. Al-Bukhari [Hadith Bilang: (56)], Muslim [Hadith Bilang: 5-(1628)].
Ang nag-ulat nito ay nabanggit na sa ika-5 na Hadith.
Ang mga kapakinabangan sa Hadith na ito:
1. Napag-aalaman sa Hadith na ito na ang gantimpala ay hindi nakakamit sa pamamagitan ng gawa lamang maliban kung ito ay mayroong dalisay at wagas na layunin upang tuwirang makamit ang mabuting gantimpala at kabayaran mula sa Allah.
2. Binibigyang linaw ng Hadith na ito na ang pag-unawa sa pagsamba ayon sa pananaw ng Islam ay higit na mas malawak, sapagka't kahit ang mga pangkaraniwang bagay na ipinahintulot gawin ng isang tao para sa sariling kasiyahan ay ginagantimpalaan din siya dito, maging ito man ay sa kabuuan ng mga ubligasyon, kung hinangad niya rito ang kaluguran ng Allah. 
3. Sa katotohanan, maging ang paglalambingan ng mag-asawa na kadalasan ay nagaganap dahil sa pagtugon sa mga pansariling pangangailangan ay naituturing din na isang mabuting gawain na kung saan ay makakamit dito ang maraming kabutihan mula sa Allah kung hinangad dito ang ng kaluguran ng Allah.