At naninigurado ng paniniwala na nariyan ang Allah, at pinatutunayan ito ng mga palatandaan sa sangkalikasan at sa Fitrah (Ang likas sa Konsyensya at kalooban), at iba pang mga ganito, tulad ng sinabi ng Allah: أَمْ خُلِقُوا مِنْ غَيْرِ شَيْءٍ أَمْ هُمُ الْخَالِقُونَ [‘ Sila ba ay nilalang mula sa wala, o sila mismo ang naglilikha?’] (Qur’an: At-Tur: 35).
At naninigurado sa paniniwala sa Rubbubiyyah (Pagka-Panginoon) ng Allah: Na siya’ng pagtatangi kay Allah na Siya lamang ang nakakagawa sa Kanyang mga gawa, tulad ng paglikha, at pagbigay-biyaya, at pagpataw ng kahatulan, at pagbigay-buhay, at pagbawi ng buhay, tulad ng sinabi ni Allah: رَّبُّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا فَاعْبُدْهُ وَاصْطَبِرْ لِعِبَادَتِهِ هَلْ تَعْلَمُ لَهُ سَمِيًّا
[Rabb (Panginoon: Naglikha,Naghahari, Nangangasiwa) ng mga langit at lupa at mga nasa pagitan ng dalawang ito, kung kaya’t sambahin mo Siya at panatilihing matiyaga ka sa pagsamba sa Kanya, ikaw ba’y may nalalamang maihahalintulad sa Kanya?’] (Qur’an: Maryam: 65).
At naninigurado sa paniniwala sa Al-Asmaa’ wa As-Sifaat (mga Pangalan at mga Katangian) ni Allah: Na siya’ng positibong pagtugon sa ipinabatid ni Allah patungkol sa Kanyang sarili, o ipinabatid ng Sugo Niya salla-llahu ‘alayhi wa sallam patungkol sa Kanya, na Kanyang mga Pangalan at Katangian, na hindi iniiba ang anumang naipahayag at kahulugan, at hindi pinapawalang-bisa, at hindi inilalarawan, at hindi ikinukumpara, bagkus naniniwala na si Allah sub-hanahu ay: لَيْسَ كَمِثْلِهِ شَيْءٌ ۖ وَهُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرُ [‘ Walang katulad at walang maihahambing sa Kanya kahit sinuman o anumang bagay, at Siya ay As-Samee’ (ang Ganap na Nakakarinig) at Al-Baseer (ang Ganap na Nakakakita)] (Qur’an: As-Shura:11).
At naninigurado sa paniniwala sa Uluw-hiya (Pagka-Diyos) ng Allah: At siya’ng pagtatangi kay Allah na Siya lamang ang sambahin. At siya’ng layunin ng paglikha, tulad ng sabi ni Allah: وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ
[‘ Hindi Ko nilalang ang mga Jinn at mga tao liban sa layuning sumamba sila sa Akin’] (Qur’an: Ad-Dhariyat: 56). Ang siya’ng Pundasyon sa panawagan ng mga Sugo, tulad ng sinabi ng Allah: وَمَا أَرْسَلْنَا مِن قَبْلِكَ مِن رَّسُولٍ إِلَّا نُوحِي إِلَيْهِ أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا أَنَا فَاعْبُدُونِ
[‘ At hindi namin pinadala ang mga Sugong nauna sa iyo liban nalang na ipinahayag sa kanila ang katotohanan na walang sasambahin liban na lamang sa Akin, kung kaya’t sambahin ninyo Ako’] (Qur’an: Al-Anbiya’: 25),
at sinabi ng Allah: وَلَقَدْ بَعَثْنَا فِي كُلِّ أُمَّةٍ رَّسُولًا أَنِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَاجْتَنِبُوا الطَّاغُوتَ
[‘ At tunay na sa lahat na mga lipunan ay may inilabas na mga Sugo upang sambahin lamang si Allah at layuan ang mga diyus-diyosan’] (Qur’an: An-Nahl: 36)
At ang Tawhiid o pagtatangi kay Allah ang siyang pinaka-pangunahing obligasyon, at pinaka-huling obligasyon na kailangan sa pamamagitan nito papanaw ang tao mula sa mundo.
At isinasapuso na ang kahulugan ng la ilaha illa-llah (walang sasambahin liban kay Allah) ay : Walang sinasambang karapatdapat sambahin liban na lamang sa Allah.
At ang paglihis ng alinmang pagsamba tungo sa maliban sa Allah ay Shirk (Pagtatambal sa Allah). At tunay na nagbabala ang Allah at ang Kanyang Sugo salla-llahu ‘alayhi wa sallam mula dito sa lahat ng kaparaanang maipataring ang pagpabatid nito.