Salaah ng Tarawih

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 102

添加到收藏 : 0

(Pagdarasal tuwing gabi ng Ramadan)
 
Ang Salaah na ito ay isinasagawa tuwing buwan ng Ramadan pagkatapos ng Salatul Isha. Ito ay kinabibilangan ng walo, o sampu o higit pang Rak'a at iniaalay ng dala-dalawang Rak'a na may maikling patlang sa bawa't apat na Rak'a. Ang Tarawih ay maaaring ialay na mag-isa subali't higit na ipina-payo na ialay ito ng sama-sama o kongregasyon. Ito ay winawakasan sa pag-aalay ng Salatul Witr.
 
Salaah sa mga araw ng Eid o Salaah Eidan (Pagdarasal sa dalawang Pagdiriwang)
 
May dalawang Eid o malaking pagdiriwang ng mga Muslim. Ang una ay tinatawag na Eidul Fitr o ang pagdiriwang sa katapusan ng pag-aayuno. Ito ay ipinagdiriwang sa unang araw ng Shawwal, ang ika sampung buwan ng kalendaryong Hegeria pagkatapos ng buwan ng Ramadan (ang buwan ng pag-aayuno). Ito ay araw ng dakilang pasasalamat ng mga Muslim sa buong daigdig.
 
Ang pangalawang Eid ay ang Eidul Adha o pagdiriwang ng Dakilang Pag-aalay. Ito ay ipinagdiriwang tuwing ika-sampung araw ng buwan ng Dhul Hijjah, ang panghuling buwan ng kalendaryong Hegeria. Ang mga hayop ay iniaalay (katulad ng tupa o kambing) bilang paggunita sa dakilang pag-aalay na isinasagawa ni Propeta Abraham (sumakanya nawa ang kapayapaan).
 
Ang Salaah sa dalawang Eid na ito ay iniaalay ng sama-sama (kongregasyon) anumang oras pagkatapos ng pagsikat ng araw at bago dumating ang tanghaling tapat. Walang Adhan o Iqamah (mga tawag ng Salaah). Ang dasal ng Eid ay may dalawang Rak'a katulad ng Salatul Fajr.
 
Isang sermon (Khutbah) ang bibigkasin ng Imam pagkatapos ng dalawang Rak'a ng Salatul Eid na siyang kabaligtaran ng Salatul Juma’ah na ang sermon ay binabanggit bago ang dalawang Rak'a. 
 
Ang pagdalo ng lahat ng Muslim kabilang na ang mga kababaihan at mga bata ay lubos na itinatagubilin.