Ang Sabi ni Allāh (Napakataas Siya): {O mga May Kasulatan, bakit kayo nakikipagkatwiran hinggil kay Abraham...}
{hindi si Abraham isang hudyo ni isang kristyano ngunit siya ay isang muslim, at hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal [kay Allāh].}(Qur'ān 3:67)
Ang sabi pa Niya:
}وَمَن يَرْغَبُ عَن مِّلَّةِ إِبْرَٰهِـۧمَ إِلَّا مَن سَفِهَ نَفْسَهُۥ ۚ وَلَقَدِ ٱصْطَفَيْنَـٰهُ فِى ٱلدُّنْيَا ۖ وَإِنَّهُۥ فِى ٱلْـَٔاخِرَةِ لَمِنَ ٱلصَّـٰلِحِينَ {البقرة ١٣٠
{Sino ang nasusuya sa kapaniwalaan ni Abraham kundi ang nagpahangal sa sarili niya? Talaga ngang humirang Kami sa kanya sa Mundo. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maaayos.}(Qur’an 2:130)
Kaugnay rito ang ḥadīth tungkol sa Khawārij at nauna nang nabanggit. Nasaad dito na siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang angkan ng ama ko," tumutukoy siya kay Polano, "ay hindi para sa akin mga katangkilik; tanging ang mga katangkilik ko ay ang mga tagapangilag magkasala."
Kaugnay rito rin, ayon kay Anas: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay binanggitan na ang isa sa mga Kasamahan ay nagsabi: "Hinggil sa akin, hindi ako kakain ng karne." Nagsabi ang isa pa: "Hinggil sa akin, magdarasal ako [sa buong gabi] at hindi ako matutulog." Nagsabi ang iba pa: "Hinggil sa akin, mag-aayuno ako at hindi ako titigil-ayuno." Kaya naman nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Subalit ako ay nagdarasal sa gabi at natutulog, nag-aayuno at tumitigil-ayuno, at nag-aasawa ng mga babae at kumakain ng karne. Kaya ang sinumang umayaw sa sunnah ko, siya ay hindi kabilang sa akin."} Kaya magnilay-nilay ka. Nang ang ilan sa mga Kasamahan ay nagnais ng pagpapakasakit para sa pagsamba, sinabi kaugnay rito ang matigas na pananalitang ito at tinawag ang paggawa niyon na isang pag-ayaw sa sunnah. Kaya ano ang palagay mo sa iba pa rito na mga bid`ah at ano ang palagay mo sa iba pa sa mga Kasamahan?