Mga Batas sa pagiging Imam ng isang Manlalakbay sa hindi lumalakbay o magbaligtaran.

img

Marqoom

分类 :

语言 : Filipino

浏览 : 3

添加到收藏 : 0

Ang Salah sa likod ng Imam na hindi lumalakbay ay puwede, at hindi ito nakakasira ng pagkaiba ng hangarin o Salah.
Puwede bang paikisiin ang Salah sa likod ng Imam na hindi lumalakbay? meron itong dalawang kalagayan:
Una: Kapag pumasok ang Manlalakbay sa unang Salah o naabutan niya ng unang Rak'ah, kailangan kumpletuhin ang Salah, Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Pangalawa: Kapag inabutan ng Manlalakbay ang huling Rak'ah ay kailangan niyang kumpletuhin ang Salah, Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.

عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ الْمُؤْمِنِينَ أَنَّهَا قَالَتْ أن رَسُولُ اللَّهِ - صلى الله عليه وسلم قَالَ « إِنَّمَا جُعِلَ الإِمَامُ لِيُؤْتَمَّ بِهِ... » رواه البخاري
Inulat ni Aisha (r.a) na sinabi ng Mensahero ng Allah (s.a.w): "Katotohanan ginawa ang Imam para sundin, ..." Isinalaysay ni Bukhari
Dahil sila ni Ibnu Mas'ud at ibang Kasamahan ng Propeta (r.a) ay ginawa nilang kumpleto ang Salah sa likod ni Uthman sa Mina at walang sinumang nagsaysay na pinaiksi nila ang Salah.
Magandang Aral: Ginawang kumpleto ni Ibnu Mas'ud ang Salah sa likod ni Uthman sa Makkah kahit ito ay dapat paiksiin, kaya may nagtanong sa kanya na Sahaba kung bakit mo ginawang kumpleto sa likod ni Uthman, sabi: Ang Salungatan ay masama. Ito ang aral sa buong Nasyon at bawat isa.
Kapag pumasok ang manlalakbay sa Salah na may Imam na kinukumpleto ang Salah at pagkatapos kanyang sinira ang Salah o kaya naalala na siya ay hindi nakasagawa ng Wudu – Ang Ma'mum – ay paiksiin niya ang Salah kapag bumalik siya na mag-isa.
Kapag pumasok para sumama sa Imam sa Salah at kanyang inakala na ito'y isang manlalakbay, at kanyang naabutan siya na nagsasalah ng dalawang Rak'ah, at pagkatapos napag-alaman niya na ang Imam ay kinumpleto ang Salah. Dapat niya itong dagdagan ng dalawang Rak'ah kung ang pagitan nito ay malapit. At kung nakalipas na ng matagal ay kanya itong isagawa ulit ang buong Salah dahil nawala na ang pagsunod-sunod.
Ang pagsunod sa Imam kahit magkaiba pa ang Salah ng Imam at ang nasa likod ay puwede, tulad ng Salah ng nasa likod ay Maghrib at sa Imam naman ay Isha. Ang pagka-iba ay hindi makakasira tulad ng Salatul Khaw'f.
Kapag pumasok ang Manlalakbay sa Imam na nagdarasal ng Isha ngunit gusto niyang magdasal ng Maghrib, ngunit pumasok pa rin siya rito, at kapag nag-Salam ang Imam ay tumayo siya, at isagawa ang Pangatlo, at kung ang Imam ay hindi manlalakbay ay umupo ang Ma'mum sa pangatlong Rak'ah at maghintay hanggang mag-Salam ang Imam, Ito ang pinakamainam. Ngunit kung siya ay nag-Salam sa pangatlo at tumayo kasama ang Imam sa hangaring mag-Isha ay puwede.
Kapag pumasok ang Manlalakbay sa hangaring magsagawa ng Salah ng Isha kasama ang Imam na hindi na maglalakbay o kaya'y manlalakbay na nagsasagawa ng Maghrib. Kailangan niyang kumpletuhin ang Salah sapagkat ang Maghrib ay hindi pinapaiksi, Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Ang mauna sa pagiging Imam kung nag-iipon ang manlalakbay o hindi ay ang mas magaling magbasa ng Aklat ni Allah maliban kung merong pinuno ang isang lugar, tulad ng Imam sa Masjid  o may-ari ng bahay, dahil siya ang dapat mauna.
Ang pag-iimam ng isang hindi naglalakbay sa isang manlalakbay ay puwede, at kanyang tapusin ang natira pagkatapos ng Salam ng Imam ayon sa pinagkasunduan ng mga Dalubhasa.
Kung nag-imam ang hindi naglalakbay sa kanila at pagkatapos lumabas ito sa Salah na may dahilan, at saka ang kanyang nasa likuran na manlalakbay ay nag-salah sa kanila ng dalawang Rak'ah lamang maliban kung lumampas na ang dalawang Rak'ah sa Pang-apat na Salah ay kailangang kumpletuhin.
Kung nag-imam ang Manlalakbay sa mga nananatili at saka lumabas siya sa Salah na may dahilan, at nasa kanyang likuran ay magsalah sa kanila ng apat na Rak'ah.
Kung pumasok sa Salah ang manlalakbay o mga manlalakbay kasama ang Imam na hindi manlalakbay para magdasal ng Taraweh sa Ramadan, meron silang dawalang kalagayan:
Una: Kung sila ay nakapasok sa kanilang lugar o bansa, Tunay sila ay puwedeng pumasok kasama niya sa Salah, at magsagawa ng nakaligtaang Rak'ah para makumpleto, at kung mag-salam ang Imam ay kumpletuhin nila ang anumang natira.
Pangalawa: Kung nakapasok ang mga Manlalakbay sa lugar na kanilang nilalakbayan, Tunay puwede silang pumasok sa Imam sa Salah at saka kanilang idasal ang kanilang nakaligtaang Salah na maiksi, at huwag silang magtayo ng ibang grupo para magdasal upang hindi magdulot ng kalituhan.
Ang Salah sa masjid na may libingan ay merong mga kalagayan:
Una: Kung ang libingan ay nasa labas ng pader ng masjid sa likod o sa bandang kanan o kaliwa, ay wasto ang kanyang Salah maliban kung ang libingan at ang masjid ay itinayo kasama nito, ito ay hindi puwede.
Pangalawa: Kung ang libingan ay nasa labas ng masjid sa direksyon ng Qiblah at merong harang, ito ay puwede kung merong bakod at daanan at iba pa. At hindi puwede sa tao na humangad na humarap sa libingan.
Pangatlo: Kung ang libingan ay nasa loob ng masjid, hindi puwede rito magsagawa ng Salah dahil sa sinabi ng Propeta (s.a.w) 
عَنْ جُنْدَبٍ قَالَ سَمِعْتُ النَّبِىَّ -صلى الله عليه وسلم- يَقُولُ « أَلاَ وَإِنَّ مَنْ كَانَ قَبْلَكُمْ كَانُوا يَتَّخِذُونَ قُبُورَ أَنْبِيَائِهِمْ وَصَالِحِيهِمْ مَسَاجِدَ أَلاَ فَلاَ تَتَّخِذُوا الْقُبُورَ مَسَاجِدَ إِنِّى أَنْهَاكُمْ عَنْ ذَلِكَ ». رواه مسلم

Inulat ni Jundub (r.a) na aking narinig ang Propeta (s.a.w) na nagsasabi: "Tunay ang mga nauna sa inyo ay kanilang ginawa ang mga libingan ng kanilang mga Propeta at Banal na tao bilang mga Masjid, huwag ninyong gagawin ang mga libingan bilang mga Masjid sapagkat ipinagbawalan ko kayo rito." Isinalaysay ni Muslim

Ang pagbabawal ay dahil nagdudulot ito ng kasiraan at kamalian.
Pang-apat: Kung ang libingan ay nasa bungad ng Masjid na napapalibutan ng bakod ng masjid ay ipinagbabawal rito ang Salah. Ngunit kung ito ay napapalibutan ng sariling bakod na iba sa Masjid, ang hatol sa bungad ay sa loob pa rin ng masjid kung siya ay magdasal rito. At kung ang bungad ay hindi naman ipinagdasalan, ang libingan ay hindi makakaapekto sa Salah na nasa loob ng Masjid.
Ang sinumang nagsalah sa Masjid habang alam niya na merong libingan rito, o kaya sa kanyang harapan ay merong libingan na walang harang, kinakailangan niyang ulitin ang Salah. Kung hindi niya alam at pagkatapos nalaman niya na meron palang libingan, ang kanyang Salah ay tama.
Ang Salah sa simbahan ay kinamumuhian kung merong mga larawan sa loob at mga rebulto. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubahasa dahil sa pagbabawal ni Umar (r.a) at Ibnu Abbas (r.a).
Pagsasagawa ng Salah sa lugar kung saan ang Qiblah ay merong krus, ang mas mainam ay iwanan ito maliban kung merong dahilan o sa lugar na natatakot siya na baka lalabas na ang oras kung lilipat pa siya ng ibang lugar.